-----SESSAI
" Ang galing magpinta ni Lili no?"
Kumuha ako nang isang slice nang pizza na punong-puno nang cheeze ! Nagutom kasi ako kaya nag-aya na muna ako na kumain !
Maaga pa masiyado para sa tanghalian kaya nag meryenda na muna kami !
" Kahit nung elementary pa lang , lumalaban na siya sa mga competition about sa arts ! Syempre suportado namin siya lalo na't palage siyang panalo!" Sabi niya at uminom sa softdrinks niya ! Napangiwi ako !
" Naka-softdrinks ka na naman!"
Ngumuso siya !
" Minsan na lang ako mag softdrinks!"
" Sabi pa nga ni Gerian mahilig ka din sa cobra noon ! Hindi kaya maganda sa katawan ang mga ganyang inumin!" Sermon ko pa ..
Ngumiti lang siya at ayan na naman ang cellphone niya ! Nakatapat na naman sa akin !
" Bakit lage mo akong vini-video?" Kumagat ako sa pizza ko at itinapat ang mukha ko sa camera tsaka ngumuya dun ng mabilis ..
Tinulak niya naman ang noo ko gamit ang daliri nya !
" Babe don't do that ! Hindi magandang tignan!" Siya naman itong nagsesermon .
" Eh kasi vini-video mo na naman ako!" Muli akong kumagat sa pizza ko !
" Para may napapanood ako sa office kapag namimiss kita --- Ganyan ka kalakas kumain ! Araw-araw!" Biglang sabi niya at itinapat sandali ang camera sa pizza tapos sa akin ulit ! Sakto naman tatlong beses akong kumagat sa pizza bago ako ngumuya ..
Tumawa siya nang muntik na akong mabulunan !
" Hey dahan-dahan kasi sa pag kain babe!"
Sinundan ko lang ang kamay niya kung paanu niya isandal ang phone sa may gilid ng table para makita kaming dalawa ! Pinunasan niya ang gilid nang labi ko habang ang tingin ko ay nasa phone niya at natutuwang panoodin ang sarili ko sa camera habang inuubos ang pizza na nasa kamay ko ..
" You're so cute!"
" Hindi naman!" Pagtanggi ko at ibinigay sa kanya ang kapiraso nang ham na nasa pizza!
Hindi ko kasi gusto ang lasa kaya binibigay ko muna sa kanya lahat nang ham na nasa pizza para makain ko nang dire-diretso ..
" Lalo akong tataba sayo eh!" Reklamo niya pero tinawanan ko lang siya ..
Kinuha niya ang phone niya at pinatay ang video ! Lumipat siya sa tabi ko para makapag-selfie kaming dalawa .. Kumagat muna ako sa Pizza bago ako ngumiti sa camera kaya medyo nakaumbok ang pisnge ko ! Nakaakbay naman siya sa akin at medyo nakasandal ang ulo niya sa ulo ko ..
" Hindi ka talaga maawat sa pagkain ha ! Lakas mo kumain pero .. " Pinasadahan niya nang tingin ang katawan ko kaya hinampas ko ang braso niya " Aray naman!" Daing niya sa paghampas ko " Eh totoo naman kasi .. Lakas mo kumain pero ganyan ang katawan mo!" Napangiwi ako at muling kumuha ng pizza ..
" Edi kapag tumaba na ako iiwanan mo na ako?" Ibinalot niya agad sa akin ang braso niya kaya naipit ang dalawang braso ko tsaka niya tinadtad ng halik ang pisnge ko ..
" Hindi naman eh ! Kahit ikaw pa ang pinaka mataba sa mundo .. Ikaw pa rin ang mamahalin ko!" Mahina akong napatili nang ihipan niya ang tenga ko ..
" kahit marami ka namang pagpipilian?"
" Araw-araw kitang pipiliin!"
Malambing na sabi niya at hinalikan ang balikat ko tsaka inamoy ang kili-kili ko kaya napailag ako ! Tumawa lang siya at kinain ang sinusubo kong pizza sa kanya ..
