---
" Ayaw mo ba talagang uminom?"
Napangiti ako nang muling humampas ang maliit na alon sa aking paa ! Kumikislap ang malinaw na tubig nang dagat dahil na rin siguro sa magandang liwanag nang bilog na buwan ngayong gabi ..
" Sessai time " napalingon ako sa kanya at seryoso itong nakatitig sa akin !
Tipid akong ngumiti at ipinasok ang kamay ko sa bulsa nang sweater hoodie niya na puti ! Nag-aya kasi ako na maglakad-lakad muna habang nag-iinuman ang mga kaibigan namin kaya pinahiram niya ako nang sweater niya .. Dumating din kasi sila JM at ibang tropa kaya nagka-yayaan na mag-inuman !
" Thank you sa surprise kanina!" Matamis akong ngumiti sa kanya !
Naka-black short na siya at white na tshirt ..
" Alam mo namang gusto ko na palage kang masaya eh!" Mahina akong natawa at lumapit sa kanya ! Ibinalot ko ang mga braso ko sa bewang niya at tiningala siya ..
" Simple lang naman ang kasiyahan ko eh!"
Nagtaas baba ang kilay ko kahit na basag ang boses ko dahil hanggang ngayon ay paos na paos pa din talaga ako ..
" Anu yun ? Sabihin mo sa akin ! Gagawin ko lahat .. Gagawin ko yung simpleng bagay na yun maging masaya ka lang!" Ngumiti ako !
" Yung ngiti mo .. "
Natawa ako sa pag pula nang mukha nya pati na ang tenga niya !
" Tama na babe ! Kinikilig na ako!" Saway niya at kinurot ang pisnge ko ..
" Totoo naman yun ! Ngiti mo lang ang kasiyahan ko .. Hindi ko na kasalanan kung kinilig ka dahil duon!" Natatawang sabi ko at umubo nang maramdaman ko ang pagkati nang lalamunan ko ..
Hinagod niya ang likod ko at inabot sa akin ang baunan nang tubig ko na hindi na yata niya ibabalik sa akin ..
" Ayos ka lang ba?"
" A-ayos lang naman .. " tumikhim ako pagkatapos kong uminom nang tubig !
Kinuha niya ulit sa akin ang baunan nang tubig at hinagod ulit ang likod ko ..
" Paos na paos ka ! Kulang na lang hindi ko marinig ang boses mo .. " Tumawa ako ..
" Nag concert ako kagabi eh ! Ayan napaos!" Pagbibiro ko pero di manlang siya natawa ..
Nawala ang ngiti ko nang mapansin ko ang seryoso niyang pagtitig sa akin ..
Bumuntong hininga ako nang maramdaman ko muli ang pagbigat nang pakiramdam ko ! Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinisil ang ibaba nang tenga ko para mapigilan ang pag-iyak ko pero hindi ako nagtagumpay .. Nag-unahang lumandas ang luha sa pisnge ko ! Para akong baliw na tumatawa ngunit lumuluha habang nakayuko at nakatitig lang sa paa kong nababasa nang tubig dagat ..
" B-babe .. " Hindi ako lumingon ! Nanatili akong nakayuko at di magawang salubungin ang titig niya ..
" So-sorry!"
" May itatanong sana ako sayo!" Hindi nakalampas sa akin ang pagkagulat niya nang umangat ang tingin ko at nilingon siya ..
Nagtaas baba ang adams apple niya dahil sa sunod-sunod na paglunok ..
" Se-sessai .. "
" May alam ka ba ? Matagal mo na bang alam ang tungkol sa bagay na yun?" Tipid akong ngumiti habang umiiyak ..
Umiwas ito nang tingin sa akin at tila nahihirapan sa paghinga niya ..
" Wag mo na sagutin ! Ayos lang nam -- "
