---
Bata pa lang pinapagalitan na ako palage ni Nanay at ate kasi lage na lang daw akong umiiyak , elementary pa lang kasi ako lage na lang akong pinag ti-tripan nang mga kaklase ko -- palibhasa kasi malayo ang agwat sa akin nila Flor noon kaya may lakas sila nang loob na palageng paiyakin at awayin ako.
Pagdating naman sa mga subjects hindi naman ako kulilat , hindi man ako sumasabit sa may mga honor o nangunguna sa klase maipagmamalaki ko pa din kela ate na may mataas akong grado sa school card ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan palageng pinapaiyak ako nang mga kaklase ko kahit wala akong ginagawa -- dinidedma ko palage ang ginagawa nila , kung paanu nila ako sinipa noon sa inuupuan ko , kung paanu ako umiyak nang sobra sobra dahil nawala ang bago kong bag na itinapon pala nila sa likudan nang school kung saan malawak na palayanan ang nanduon -- ang tanging sabi ko lang kay ate , dumaan ako sa palayanan at aksidenteng natalapid ako kaya bumagsak sa palayan ang bag ko .. Iyak ako nang iyak nuon hanggang sa inatake ako nang hika ! Hindi ako umuwi sa bahay hanggat hindi ako kumakalma kasi kilala ko si ate sally , ayaw na ayaw nun na umiiyak ako at inaapi nang kung sinu-sinu lang ..
Akala ko pagdating dito magiging okay na , kasi makakasama ko na ang pamilya ko .. Ngunit nagkamali pala ako -- mas maiit pala lalo ang magiging tingin sa akin nang mga taong nasa paligid ko.
Muling tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan dahil ayokong makikita ako ni Gio sa ganitong itsura , ayokong dumagdag pa ako sa mga isipin niya ..
" Sinung nang-away sa babe ko ? Uupakan ko hanggang sa mawalan nang malay!" Agad akong napalingon sa boses na nagmumula sa likudan ko.
Akala ko ay di na ako iiyak pero nang makita ko siya ay lalo pang lumakas ang iyak ko at patakbo akong yumakap sa kanya.
"Sshh ! Stop crying love , nandito na ako!"
Ibinaon ko pa lalo ang mukha ko sa dibdib niya at duon malakas na umiyak habang mahigpit ang yakap ko sa kanya at hinahaplos niya nang paulit-ulit ang buhok ko.
" Tahan na mahalko!" Malambing ang tinig niya " Please ! Nasasaktan din ako kapag umiiyak ka babe!" Dagdag niya at hinalikan ang tuktok nang ulo ko. "Sinung nang-away sayo ? Ituro mo sa akin babe ! Babasagin ko ang mukha niya .. " Para naman akong batang sinusuyo niya. " Wala silang karapatan na paiyakin ka ! Babasagin ko talaga ang mukha nila kapag pinapaiyak ka nila .. Kaya ituro mo sa akin babe!" Hindi ako sumagot at nanatiling umiiyak sa dibdib niya.
" Tahan na ! Baka atakihin ka nang hika babe .. Nasa kotse pa naman yung nebulizer mo!" Bulong niya paulit-ulit na hinahalikan ang tuktok nang ulo ko.
May nebulizer kasi ako sa kotse niya kasi minsan bigla na lang akong kinakapos nang hangin , madalas kasi nalilimutan ko ang inhaler ko kaya hindi na niya inalis ang nebulizer na yun sa kotse niya -- mas maganda na daw yung ready kesa sa hindi.
" Eh kasi naman eh si --- Babe!" Humalakhak siya nang hampasin ko ang dibdib niya.
Pag-angat ko kasi nang mukha ko ay nakatapat na naman sa akin ang phone niya.
" Anu ba babe!" Naipadyak ko sa semento ang paa ko. " Bakit naka-video na naman yang phome mo ? Babe naman eh!" Reklamo ko at pilit na inaagaw ang phone niya pero lumalayo siya kaya tinatakpan ko na lang ang mukha ko para hindi makita ang mukha ko.
" Wag mo itago face mo!" Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya nang tingin.
" Look oh!" Hinampas ko ang kamay niya dahil tinuturo niya talaga ang mukha ko " Para nang kamatis ang nose mo , red na red na babe oh!" At lalo akong nainis ng pisilin niya pa ang ilong ko kaya lalo akong napapadyak sa semento sa sobrang inis " Yung lips mo lalong naging red!" Tumaas ang kilay ko nang mapatitig siya duon habang kagat ang ibabang labi niya. "Ang sarap yata lalong i-kiss nang lips mo babe!" Lalapit na sana siya sa akin nang umatras ako at ilabas ang dila ko na parang bata para asarin siya.
