Chapter 33

865 28 0
                                        


----

" Ayos lang po ba siya Ate?"

Nag-aalalang tanong ko sa Nurse na tumitingin kay Zherlyn !

Nakahiga ito ngayon sa hospital bed dahil bigla na lang siyang nawalan nang malay kanina ! Iyak kasi siya nang iyak ! Ate lang nang ate hanggang sa bigla na lang siyang bumagsak sa harapan ko ..

" Yes po ! Okay na po siya .. Pag nagising na siya mamaya , pwedi niyo na siyang ilabas!" Seryosong sabi nang Nurse sa akin pero nang dumako ang tingin niya sa lalaking nasa likod ko ay matamis itong ngumiti ..

Nasa likudan ko kasi si Gio at nilalaro ang dulo nang buhok ko ! Nilingon ko siya kaya nabitawan niya ang buhok ko ..

" Why babe?" Hinalikan niya ang noo ko at matamis na ngumiti ..

" Tinitignan mo ba yung nurse?" Bulong ko !

Tumawa siya at naramdaman ko naman ang kamay niya sa bewang ko !

" Hindi po babe ! Naka-focus lang ako sayo kahit wala sa akin ang atensyon mo .. "

Hindi ako sumagot ! Tinignan ko ulit ang nurse at nagulat siya nang magtama ang paningin naming dalawa ..

Ngumiti ako sa kanya kahit hindi ko gusto ang pagtitig niya kay Gio ..

" Kung okay na po siya , pwedi niyo na po ba kaming iwanan?" Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Gio sa likudan ko at ang paghalik sa likod nang ulo ko !

" Sige po!" Nagmadali itong lumabas nang pinto pero bumukas din iyun agad nang pumasok si Ate Zab kasunod si Kuya Zac ..

Ngumiti sa akin si Ate Zab at hinalikan ako sa pisnge habang si Kuya naman ay humalik sa noo ko at tinapik si Gio sa balikat bago lumapit kay Zherlyn at hinawakan sa kamay!

" Kamusta siya?" Nag-aalalang tanong ni Kuya nang lingunin niya ako ..

" Sabi nung nurse pwedi na siya lumabas mamaya pag nagising na si Zherlyn!" Sagot ko

" Tumawag sa akin si Manang , pagdating daw ni Zher kanina sa Bahay .. Dumiretso agad sa itaas ! Ugali kasi ni Zherlyn na buksan ang pinto nang kwarto ko at kwarto mo kahit na alam niyang wala naman siyang makikita duon .. Pero kanina , nagulat na lang daw si Manang na natatarantang bumaba si Zherlyn nang hagdan at nagtanong kung bakit may mga bagong gamit sa Kwarto mo ! Nabanggit niya lang ang pangalan mo ay agad itong lumabas .. Saktong pag end ng call ni Manang , ikaw naman ang tumawag ! Sabi mo nandito siya sa Hospital!" Mahabang litanya ni Kuya Zac ..

" Magiging okay din siya , iyak siguro nang iyak kanina tapos wala pa yata siyang maayos na tulog kaya bumigay agad ang katawan niya!" Malambing na sabi ni Ate Zab ..

Tumayo si Ate Zab sa pag-itan nang hita ni Kuya Zac at hinalikan si Kuya sa noo ..

Napaiwas ako nang tingin at napatitig kay Gio nang magtaas baba ang kilay niya ! Siniko ko siya sa dibdib at napaubo naman siya ..  natatawa siya nang ibalot niya ang braso niya sa bewang ko tsaka niyang hinalikan ang balikat ko ..

" Hoy Gio .. " Inosenteng nilingon ni Gio si Kuya Zac na matalim ang titig sa kanya ..

Magsasalita pa sana si Kuya nang biglang gumalaw si Zherlyn ! Napatayo ako at napaatras nang tignan niya si Kuya at biglang bumangon para yumakap kay Kuya ..

Hinawakan ni Gio ang kamay ko at humigpit naman ang hawak ko sa kamay niya . 

" Ssshh ! Bakit ka umiiyak?" Malambing na sabi ni Kuya at hinaplos ang basang pisnge nang bunsong kapatid namin .. " Ha ? Why are you Crying .. Stop crying!" Hinalikan ni Kuya si Zherlyn sa noo at inayos ang magulo nitong buhok tsaka sandaling niyakap ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now