Chapter 53

611 21 4
                                        


---

"Hello!"

Sinagot ko ang tawag ni ate loyda nang saktong paglabas ko nang bahay ay tumawag ito ! Papunta pa lang kasi ako sa Office ni Gio at sasabay lang ako kay Kuya dahil pupuntahan na din niya si Ate Zab ngayon ..

" Ma'am!"

" Bakit ate loyda ? May problema ba?"

Inabot ko kay kuya ang dala kong paper bag na nilagyan ko nang mga niluto namin ni Manang ng buksan ko ang front seat ! Kanina pa kasi siya duon , naligo pa kasi ako kaya medyo natagalan pa ako ! Nag white pants na nga lang ako at maroon na t-shirt tsaka flat shoes para mas mabilis eh !

Hindi pa ako nakapagsuklay ..

" Si Engineer perez kasi nandito kanina!"

" Engineer perez?" Nagtataka kong tanong at napatingin kay Kuya na natigilan din sa pag-start nang kotse . 

" Yes ma'am ! Hinahanap ka niya kanina sabi ko hindi ka pumasok kaso mapilit eh .. Pumasok sa Office mo at naghintay pa dun nang halos kalahating oras!" Anu bang gagawin nang engineer na yun dun ?

Sa totoo lang , isang beses ko pa lang siyang nakita at hindi ko pa siya nakausap nang personal tanging sa meeting lang , kaya nagtataka kung bakit kailangan niya pang puntahan ako sa Office !

" Bakit daw ate?"

Pinaandar na ni Kuya ang kotse at kahit hindi sa akin nakatuon ang mga mata niya ay alam kong nakikinig ito sa usapan namin ..

" Bibisita lang daw ma'am ! Sabi ko baka kasama mo ang boyfriend mo!"

" Hindi ko alam kung bakit niya pa ako kailangang puntahan!"

" Kaya nga ma'am ! Kung hanapin ka nga parang may appointment siya sa inyo!"

" Salamat ate loyda!"

" Sige po ma'am!"

Pinatay ko ang tawag at ipinatong sa hita ko ang phone ko tsaka ko sinuklay ang basa kong buhok gamit ang mga daliri ko ..

" I told you!"

" Pakiramdam ko magagalit si Gio kapag nalaman niya yun .. Baka lalong hindi pumayag yun na pumunta ako sa Quezon!"

Umiling-iling si Kuya at halata ding naiinis !

" Hindi ko naman siya kilala kuya ! Paanung nangyari na naging ganun siya bigla?"

Tinignan niya ako sandali bago kami tuluyang nakalabas sa village ..

" Bisita siya ni Keifer nung wedding niya , kasama namin siya sa table eh .. Si Gio pa nga ang napagtanungan niya kung anu daw ba ang pangalan mo!" Naiinis akong kumamot sa kilay ko sa narinig ko kay kuya ..

Pakiramdam ko talaga ay magagalit si Gio dahil sa pagpunta nang engineer na yun sa Office ko ! Hindi ko naman siya kilala at hindi naman ako interesado sa kanya , bigla tuloy ay nakaramdam ako nang stress dahil siya pa ang head engineer nang project sa Quezon !

" Samahan pa kita?" Tanong ni Kuya nang tumigil kami sa tapat nang building nila Gio!

" Hindi na kuya .. Baka ma-traffic ka pa!"

" Sabihin mo agad kay Gio dahil lalo yung maiinis kapag di pa ikaw ang nagsabi!"

Tumango ako at tipid na ngumiti ! Hinalikan niya ang noo ko tsaka pinisil ang pisnge ko ..

" Sige na , gutom na yun!"

" Salamat kuya ! I love you!"

" I love you too!"

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now