Chapter 39

824 26 2
                                        


----

KINAKABAHAN ako pero nagawa kong ngumiti habang nakayakap sa braso ko ang Tita ni Gio habang hinihila ako papasok sa Compound nila !

May tatlong bahay ang magkakatabi ! Habang sa tapat nito ay dalawang bahay at pare-parehong may dalawang palapag ! Sa dulo nang lugar ay may parang resthouse at may nakita akong batang naglalaro duon na agad tumakbo palapit sa pwesto namin ..

May mga kotse din na nakaparada sa garahe nang bawat bahay at nakakatuwang tignan na may mga garden din sila dito ..

" Tito Gio " Tuwang-tuwa na sigaw nang bata na may hawak pang eroplano na laruan !

" Gabo "

Sinalubong ni Gio ang bata at kinalong ito agad ! Yumakap naman agad ang bata sa leeg nito at halatang tuwang-tuwa ..

" Tara na ineng sa loob at mainit dito ! Malayo ang naging byahe niyo kaya kumain na tayo!"

Ngumiti ako kay Tita Mers nang magsalita siya at hinila ako papasok sa pangalawang bahay ..

" Koring ! Ihanda mo na ang mga niluto namin ni Emma sa lamesa .. " sigaw ni Tita Mers nang makapasok kami sa loob ..

Binitiwan ni Tita mers ang braso ko at dumiretso agad siya sa Kusina habang si Tita Beth naman ay kausap si Gio habang kalong yung batang lalaki .. Bahagya akong nagitla nang maramdaman ang presensya nang tita ni Gio na halata ang pagiging strikta !

Lihim akong napalunok at hinahangad na lapitan ako ni Gio para makalayo sa tita niya !

" Maarti ka ba sa mga pagkain?"

"Po?" Nakagat ko ang ibabang labi ko nang taasan niya ako nang kilay !

" kung maarti ka , hindi ka mabubuhay dito ! Dahil kung anu ang nasa lamesa ? Yun lang ang pwedi mong kainin .. " Striktang sabi nito!

Tipid akong ngumiti habang nilalaro ang mga daliri ko ! Kulang na nga lang ay matanggal pati na ang mga kuko ko sa sobrang kaba ..

" Hindi naman po ! Kahit anu po kinakain ko .. Hindi po ako mapili sa pagkain!" Sagot ko at inangat ang tingin sa kanya ngunit napaiwas ulit nang makitang nakatitig siya sa akin ..

" Hindi ka taga tarlac?"

" Hindi po ! Quezon Province po .. "

" Anung ginagawa mo dito?"

Duon na umangat ang tingin ko ! Tipid akong ngumiti nang makitang maayos na ang tingin niya sa akin ..

" Kapatid ko po si Engineer Zac Corpuz!"

Nagulat siya sa sinabi ko at nilingon si Gio na kanina pa yata kami pinapanood .. Ngumiti lang siya sa amin nang tita niya at muling nilaro ulit ang batang hawak niya ..

" Hindi na ako magtatanong dahil kamukhang-kamukha mo si Engineer!" Yun lang ang naging sagot niya at tinalikuran na ako ! Pumunta na siya sa kusina ...

Nakahinga ako nang maluwag , narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Tita Beth at hinaplos ang buhok ko ..

" Pagpasensyahan mo na ! Matanda na kasi kaya sobra ang kasungitan niya .. " Tipid akong ngumiti at napakamot sa kilay ko!

" Ayos lang po tita .. "

Ngumiti siya " Tara na ! Kumain na tayo!" Tumango lang ako at sinundan siya nang tingin nang maglakad na siya papunta sa kusina ..

" Are you okay?" Napanguso ako at agad na niyakap ang braso ko sa bewang niya habang nakatitig sa akin ang batang kalong niya ! Pinisil ko ang pisnge niya pero nagtago lang siya sa leeg ni Gio .. " Mahiyain eh!" Natatawang sabi ni Gio at hinalikan ang bata!

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now