Chapter 7

1.1K 31 0
                                    


---
FLOR

Naglakad ako pabalik sa labas nang bahay dala ang pulutan namin na sisig ..

" Hindi daw makakapunta si Sessai .. Hindi pinayagan ni Ate Sally kasi lalo daw namaga ang braso niya ! Nagagalit na naman nga daw after magamot .. Ipapa-brgy daw si Bebang!"

Sabi ko at umupo sa bakanteng upuan !

" Grabe si Bebang lakas makahampas eh ! Kulang na lang maputol buto ni Sai!" Naiiling na sabi ni Meng at tumagay nang lambanog

Mahirap lang kami eh kaya limang pilsen lang nang lambanog ang iniinom namin ! Malakas kasi mag-inom si Jas at Meng kesa sa amin ni Sessai ..

" Ganda mo kasi Jas eh .. " Nagkibit balikat naman si Jas na tila nagyayabang sa taglay na ganda nya kaya natawa kami ni Meng ..

" Ugali mo na talaga yan no?" Natatawang sabi ko sa kanya ..

Uminom naman siya ng alak nang nasa tapat na niya ang tagay ..

" Ang alin?"

" Ang gandang-ganda ka sa sarili mo!"

" May ipagyayabang naman ako ah!"

" Loko!" Binato ko siya nang fries na binili niya kanina pagdating nila ni Meng ..

" Kung di nga lang dumating si Papa nung nakaraang araw ? Tataniman ko nang bukol sa noo yung si Bebang .. Kung ipaglaban naman niya ang jowa niya para namang kasing gwapo ni Joshua Garcia?!" Mataray na sabi pa ni Jas ..

Ako naman ang uminom dahil nasa akin na ang tagay .. Mabuti na lang maagang nakatulog si Hailey at kasama ang kapatid ng asawa ko sa kwarto kay may nag-aalaga ! Hindi naman ako masiyadong nag-iinom kasi nga may baby na ako ..

" Wag talaga siyang magpapakita sa akin ! Masasapak ko siya .. Dahil sa kahibangan niya namamaga braso ni Sessai!" Dagdag niya pa at kumuha nang fries ..

Tumakbo ang oras sa kwentuhan namin habang nag-iinom , nang makaramdam ako ng hilo ay huminto na ako at naging taga-tagay na lang sa kanilang dalawa na maingay na dahil sa kalasingan nilang dalawa ..

" Tigilan mo nga ang pang-aasar sa akin kay Ciemar ha ! You're not funny Meng!"

" Hahahahaha Come on Jas ! Bagay naman kayo ni Ciemar ah .. Kape at gatas ! Paglabas nang baby niyo ? Brown coffee ! Astig "

" Shut up Meng .. "

" Bagay naman kasi talaga kayo Jas ! Subukan mo lang tsaka gusto naman siya nila Kapitan at Tita Joy diba ? Mabait naman kasi at masipag .. " singit ko sa asaran nila !

Ibinaba ni Jas ang tagay niya at mapungay na ang mata nang tignan niya ako ..

" Hindi pinipilit ang nararamdaman ! Mga baliw kayo ..  Lubayan niyo ako mga baliw ! I don't like him okaaaay?" Lasing na sabi niya !

" Edi hayaan mo siyang ---- "

" I SAID SHUT UP BOTH OF YOU ! Mga bwesit talaga kayo ha .. Hindi nga nanliligaw sa akin tapos bibigyan ko ng pag-asa ? Shut up!"

Nagkatinginan kami at sabay na napahampas sa mesa at tumawa !

" So kapag nanligaw ? May pag-asa ? " sabay na sigaw namin ni Meng at namula naman agad lalo si Jas hindi lang dahil sa alak ..

" MGA BWESIT KAYO!" Sigaw niya pero tinawanan lang namin siya ni Meng at inasar nang inasar kay Ciemar .. Hahahahaha

--

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now