Chapter 106

823 27 5
                                        


-----

PINAGBUKSAN ako ni Kuya jolex nang pinto sa front seat ng makarating kami sa tapat nang bahay nila kuya zac.

"Naku ma'am , ang laki na nang tiyan niyo." Nakangiting sabi ni Kuya habang kinukuha ang gamit ko sa back seat.

Mahina naman akong tumawa habang nakahawak sa malaki kong tiyan at pinapanood ang paglabas niya nang gamit ko sa loob nang kotse.

"Kaya nga po kuya , manganganak na ako next month. Medyo kabado." Sagot ko sa kanya at 'tsaka naunang pumasok sa loob , sumunod naman siya agad sa akin.

Sinalubong kami agad ni manang na galing sa kusina , matamis akong ngumiti sa kanya habang nakahawak sa tiyan ko at nagmano sa kanya.

"Oh kamusta anak?" Nakangiting sabi ni manang at inutusan si Kuya jolex na iakyat sa dati kong kwarto ang mga gamit ko.

"Maayos naman po manang , medyo nakakaramdam ako nang sakit kasi napakalikot na niya.." Sabi ko kay manang at inaalalayan naman niya akong maupo sa sofa. "..lalo na po kapag naririnig niya ang boses nang daddy niya ? Naku manang , napakalikot niya kaya hindi ko mapigilan masaktan kasi ang likot-likot niya kapag kinakausap siya nang daddy niya.." Natatawang sabi ko kay manang , nakangiti naman siya at halatang natutuwa sa kwento ko.

Sa limang buwan na nakalipas , lageng kinakausap ni Gio ang tiyan ko lalo na sa umaga pagkagising niya hanggang sa lumaki nang lumaki ang tiyan ko ganun ang ginagawa ng asawa ko. Lage niyang kausap ang anak namin at hinahalikan palage ang lumalaki kong tiyan , madalas nga ay kinakantahan niya pa ang anak namin sa sinapupunan ko at ang ending ay ako nakakatulog dahil sa ganda ng boses niya. Nakakatuwa nga dahil tuwing uuwi si Gio galing sa trabaho at muling kinausap ang tiyan ko ay duon siya sisipa at maglilikot na para bang gusto nang lumabas at mayakap ang daddy niya.

"Syempre 'nak , kilala na niya ang boses nang daddy niya. Siguro ay gustong-gusto na niya maramdaman ang yakap nang kanyang ama.." Natutuwa na sabi ni Manang at hinaplos ang tiyan ko.

Inalalayan niya din akong makaupo nang maayos sa sofa.

"Nasan pala ang asawa mo?"

"May meeting lang siya manang , after nun hindi na muna siya papasok sa trabaho kasi madalas ng sumasakit ang tiyan ko. Sabi nang doctor ko baka first week pa lang po nang buwan sa susunod ay lumabas na ang anak ko.." Sabi ko kay manang habang nakangiti. "..kaya mas kailangan ko siya ngayon , gusto niya din kasi na dito muna kami sa bahay kasi marami tayo dito. Sa bahay kasi kami lang dalawa , baka daw mataranta siya at mauna pa ipasok sa ER." Natatawa na kwento ko kay manang , natawa din naman siya at napailing.

"Naku , kahit ang asawa ko noon ay ganyan na ganyan. Mas kabado pa sa akin samantalang ako naman ang manganganak." Naiiling na sabi niya.

"Siguro po ganun talaga kapag first baby namin , kabado pa kami pareho.." Sabi ko at hinaplos ang aking tiyan.

Nagpaalam saglit si manang para silipin ang niluluto niya , naiwan naman ako sa sala habang nagpapatugtog sa phone ko nang kanta ni Gio. Napangiti ako ngunit napadaing din sa biglang paglilikot niya sa tiyan ko , pagdating talaga sa boses nang daddy niya ay mabilis siyang kumilos.

Natuon ang atensyon ko sa malaking frame na nasa pader , mas lalo pang lumawak ang ngiti ko ng makita ko duon ang picture namin nitong nakaraang pasko. Nag desisyon kasi kami na umuwi sa PAG-ASA para duon mag-celebrate nang pasko hanggang bagong taon , kaya napakadami nang handa noon sa bahay nila Kapitan dahil duon kami tumuloy. Kasama ko ang mga kapatid ko ganun din ang buong pamilya ni Gio , kasama din namin si Manang at sila Kuya jolex dahil hindi din sila makakauwi sa mga probinsya nila. Kasama din ni Zherlyn si marcus , syempre nanduon din si Ate zab at ate trixie. Nakakatuwa lang isipin na nakumpleto kami sa araw na yun kaya talagang nagpakuha kami nang litrato na magkakasama , kung anu anu na nga lang ang pwesto namin sa picture dahil kung anu anu ang ginagawa namin nung time na yun. Katulad na lang ni Jas na pumasok pa sa loob nang t-shirt ni Ciemar at idinipa ang mga braso niya , habang si Meng naman ay yakap si Jm sa bewang na naka-akbay sa kanya. Natawa pa ako nang makita kong naka-dapa si Rolando sa lupa berdeng bermunda noon sa harapan nila Jas at naka-upo sa likod niya sila Jp at Dada na habang hirap na hirap siya , yung dalawa naman ay ngiting-ngiti.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now