---SESSAI
Namangha ako sa itsura nang lugar nang makita ko na ang malawak na dagat sa harapan nang puti at malaking bahay ! Dinig na dinig ko na lalo ang bawat hampas nang alon sa dalampasigan at mas lumamig pa ang hangin na humahaplos sa aming balat , nakangiti kong itinaas ang aking buhok na ginugulo nang hangin , iginala ko pa ang mga mata ko sa lawak nang paligid , may mga puno na pinapalibutan din nang mga puting ilaw at may dalawang puno na kinakabitan nang duyan na malapit sa may dagat , para akong bata na tuwang-tuwa sa nakikita ko.
"Hoy anu yun sala?" Namamangha na sabi ni JP , itinuturo ang bandang gitna nang lugar kung saan makikita ang nakalibot na upuan na mukhang gawa lamang din sa buhangin at may mga tela na nakapatong duon at mga maliliit na unan habang may apoy sa gitna nang nakabilog na upuan na iyun. "Heyep ! Ibang klase itong resort niyo ha ? Pati sa may dagat ay may sala ? Heyep talaga." Dagdag pa ni JP habang naiiling.
Nagtawanan kami lalo na nang sumang-ayon pa ang ibang lalaki sa sinabi niya.
"Gago na ito ! Bobo mo pre.!" Sabi pa ni Dada at pinag-krus pa ang braso sa kanyang dibdib.
"Yan ang lobby nitong resort para daw maiba naman diba ? ---- ARAY!"
"Ayan, Loko ka kasi." Pang-aasar ni Flor nang sapakin ni Jas si Dada.
"Anu ba naman jas ? Kasakit mo manapak!"
Natatawa at naiiling naman na hinihila ni Ciemar si Jas palayo kay Dada pero nang tignan siya nito nang masama ay agad nitong binitiwan si Jas at umakto na inosente at binalingan si Hailey na nagising sa ingay nang mga tito at tito niya ..
"Kanina ka pa ha ? Namumuro ka na sa akin ! Kung wala kayong masabing matino ? PLEASE LANG GUYS." nagpigil kami nang tawa nila Meng at Flor. "ITAHIMIK NIYO NA LANG ANG BIBIG NIYO dahil mas nakaka-stress pa kayo kesa sa problema nang pilipinas!" Inis na inis na talaga siya dahil pulang-pula na ang mukha niya at nagawa pang sapakin ulit si Dada at sipain pa ang binti ni JP kaya nagtatatalon ito habang paulit-ulit na uma-aray!
Napailing na lamang kami nila Meng at patakbo kaming sumunod kay Ate sonya.
Simple lang naman ang loob nang bahay ! Napakalinis at dalawang palapag , may malawak na sala at kumikinang din ang mga malalaking ilaw at mukhang mamahalin din ang mga gamit dito , lahat din nang kwarto ay nasa itaas at kitang-kita iyun kahit na nasa bungad ka pa lamang nang pintuan.
"Nakahanda na ang hapunan" sabi nang lalaki na kasama ni Ate sonya.
Sa tingin ko ay magka-edad lang kami o baka sila Flor ang ka-edad niya ? Hindi ko kasi alam ang pangalan niya pati na ang bata na nakahawak sa laylayan ng tshirt ni Ate Sonya.
"Tara na po sa kusina." Muling sabi niya.
Hindi ko alam kung weird ba siya o tama lang ang pansin ko na nasa akin ang titig niya habang nagsasalita siya ? O baka dala lang talaga nang gutom ito dahil sa haba ng byahe.
Tinapik ni Sol sa balikat yung lalaki habang natatawa ganun din sila Ciemar.
"Wag mo sabing titigan baka di mo malimutan ! Makulit ka din eh!" Sabi ni Flor na medyo natatawa din at katulad ng mga lalaki ay tinapik din siya sa balikat.
Yumuko ito sandali bago muli akong tinignan na naiwan sa harapan nitong lalaki at nagtataka sa mga inaasta nila Flor sa kanya.
Namumula ang mukha niya at kumakamot sa batok niya.
"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko , mga mapagbiro talaga sila." Nakangiting sabi ko.
Wala siyang sagot , basta nakatingin lang siya sa akin at parang nagugulat pa nga.
