---
MENG
" No ma ! Ayoko ! Wag kayong mapilit!" Umakyat ako sa hagdan patungo sa kwarto ko pero ramdam ko pa din ang pagsunod ni Mama sa akin paakyat !
" Maine ! Anak ! Please ! Kahit ito lang , pagbigyan mo naman ang papa mo!" Tumawa ako at humarap sa kanya !
" Siya ang nagregalo sa akin nang business ko OO pero AKO ANG NAGPALAGO ! AKO ANG NAGPAKAHIRAP NA IANGAT ANG MALIIT NA NEGOSYO NANG WALA SIYA Tapos ngayon ? Magsasabi siya nang kapatawaran ko?" Pinipigilan ko ang pagsigaw ko pero sa sobrang galit ay di ko rin nagawa ..
" Anak .. " Hinawakan ni Mama ang kamay ko at hinaplos ang pisnge ko habang umiiyak ..
" Hindi ka ba napapagod ma ? Iniwan niya tayo dahil sa babae niya ! Hindi pa ba sapat yun para sumuko ka?" Mahinabong sabi ko habang umiiyak ..
" para sayo ito anak .. "
" Matanda na ako , kaya kitang buhayin nang wala siya mama ! Kaya natin kahit tayo lang dalawa .. Wag niyo nang ipilit!" Tsaka ko siya tinalikuran at agad na dumiretso sa kwarto ko at nagkulong !
Sumalampak ako sa kama ko at pumikit , ilang beses akong nagpakawala nang malalim na paghinga ! Gustuhin ko mang umiyak ay tila natuyo na ang mga luha ko dahil kahit isa ay wala nang pumatak mula sa mata ko ..
Kagat labi akong bumangon at kinuha ang phone ko sa bulsa ko ! Sumandal sa head board at walang gana na nag online sa Facebook account ko ..
Sumalubong agad sa akin ang post ni Mike na picture nang mag-ina niya ! Tatlong araw na ang nakakalipas nang bumalik ulit ito sa manila ganun din ang manliligaw ni Sessai na si Gio na bumalik na sa Tarlac ! Para ngang bata na nagdadabog kapag namimis si Gio ..
" Maine ! Nasa labas si JM!" Dinig kong sabi ni Mama sa labas nang kwarto ko , narinig ko din ang mga hakbang niya palayo !
Mabigat ang pakiramdam ko nang lumabas ako nang kwarto ko at bumaba ! Naabutan ko si Mama at JM na nag-uusap sa sala ..
" Maiwan ko na muna kayo!"
" Salamat po tita!"
Hinawakan ni Mama ang siko ko ngunit hindi ako nag-abala na tignan siya kaya napabuntong hininga na lang siya na Umalis !
" Alas nuebe na nang gabi ! Bakit dumaan ka pa dito?" Tanong ko !
Ngumuso siya at sinalubong ako nang yakap ! Bumaon ang mukha niya sa leeg ko sandali at hinalikan ang pisnge ko ..
" Are you okay ? Mukhang wala ka sa mood ah ! Nagugutom ka ? Nagdala ako nang pagkain " hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kusina ! Inalalaya niya akong umupo at hinanda naman niya ang pagkain na dala niya .. " Im sorry kasi ngayon lang ako ! Nag-aya pa kasi sila Sol na mag-inom -- " magsasalita sana ako pero agad niya akong pinigilan .. " Pero hindi naman ako uminom , syempre hindi ako nagpaalam sayo ! Tsaka umalis din ako agad kasi hindi ka sumasagot sa mga tawag ko!" Natulala ako sa sinabi niya at napatitig sa kanya !
Malungkot ang ngiti niya at nilapitan ako ! Lumuhod siya sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko at pinisil iyun ..
" Pwedi mo sa akin sabihin kung anung iniisip mo ! Makikinig ako katulad nang palage kong ginagawa para mapagaan ang loob mo!"
Tila ba naging hudyat ang mga sinabi niyang yun para mag-unahan ang paglandas nang luha ko sa aking pisnge .. Hindi ko yun mapigilan at para akong batang umiiyak sa harap niya ! Sumunggab ako nang yakap sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya !
