-----SESSAI
Nagmadali akong tumayo nang marinig ko kay ate delia na tumatawag si Gio sa telepono , pero ang excitement na naramdaman ko ay tila isang bula na biglang naglaho. Napalitan iyun nang sakit at doble-dobleng bigat nang pakiramdam dahil sa boses na bumungad sa tenga ko mula sa kabilang linya.
"Kaya nga tayo pumunta dito sa cebu para matuon naman sa akin ang atensyon mo." Hindi ko napigilan ang pagtulo nang luha ko nang marinig ko ang pagkabasag nang boses ni zherlyn. "..pero napakalayo na natin kay ate , siya pa din ang kinakausap mo , siya pa din ang hinahanap mo." Mas lalo kong naramdaman ang sakit sa dibdib ko nang marinig ko ang pag-iyak ng kapatid ko. "Mahal kita gio , mahal na mahal kita at sana kahit konti respetuhin mo naman ang nararamdaman ko." Napapikit ako ng mariin nang makarinig ako ang sunod-sunod na pagsigaw ni Zherlyn.
"Kahit konti lang gio , kahit konting atensyon lang , mapatunayan ko lang sayo na mahal na mahal kita."
"Im sorry , im really sorry , wag ka nang umiyak.". Hindi ko na lalong napigilan ang pag-luha ko ng marinig ko ang malambing na boses nang boyfriend ko na pahina na nang pahina ang boses sa aking tenga.
Bago pa lumakas ang aking paghikbi , ibinaba ko na ang telepono at mabilis na pinunasan ang basa kong pisnge dahil sa luha lalo na't nasa may sala lang si Kuya habang may kausap siya sa cellphone niya , baka marinig niya akong umiiyak -- lalo pa siyang mag-alala.
Tinungo ko ang hagdanan upang magkulong sana sa kwarto pero nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang maramdaman ko ang titig ni Marcus , kumunot ang noo ko nang makita kong titig na titig siya sa akin tipong di niya na nakikitang nakatingin na din ako sa kanya sa sobrang pagkakakatitig niya sa akin.
"Marcus."
Narinig ko ang boses ni Manang mula sa likuran ko , pero imbes na lingunin ko siya ay ipinagpatuloy ko na lang ang pag-akyat ko at pumasok sa aking kwarto at hindi na muling nilingon si Marcus ! Pabagsak akong humiga sa kama ko at tumitig sa puting kisame nang aking kwarto at muli kong naramdaman ang paglandas nang aking luha na kahit ilang beses kong pigilan na wag pumatak ay hindi ko talaga magawa.
Niyakap ko ang sarili kong tuhod habang nakahiga sa aking kama at muli -- ang galit ! inis ! tampo at selos ay naging luha.
Nauwi muli sa pag-iyak ang emosyon sa loob ko na hindi ko magawang ilabas dahil sa takot na baka masaktan ko sila doble pa sa sakit na pinaparamdam nila sa akin ngayon.
Magiging masama na ba ako kung makakaramdam na ako nang inggit ? Inggit dahil kapatid ko ang kasama niya imbes na ako , kapatid ko ang nandun nahahawakan at nayayakap siya habang ako ay umiiyak , nandun silang dalawa magkasama habang ako ito , yakap ang sariling tuhod habang iniiyak ang lahat nang sakit na nararamdaman ko.
-----
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang sobrang pag-iyak , nagising lang ako sa sunod-sunod na pagkatok ni Kuya sa pinto nang aking kwarto habang tinatawag nang paulit-ulit ang pangalan ko ! Mabigat ang pakiramdam ko nang bumangon ako sa pagkakahiga ko , napatingin ako sa terrace nang aking kwarto at duon ko lang napansin na madilim na pala sa labas.
May dinner nga pala kami kela Ate Zab.
Binuksan ko ang pinto nang aking kwarto at bumungad duon si Kuya , nagulat siya sa itsura ko , kahit hindi ko nakita ang mukha ko sa salamin sigurado akong namamaga ang mata ko at mukha ko dahil sa pag-iyak ko kanina ganun din ang eyebag ko.
"Anung nangyari sayo ? Umiyak ka ba?"
Ngumiti ako para lang mawala ang pag-aalala ni Kuya.
