Chapter 91 - Special Chapter.

640 24 11
                                    


---

Tahimik na akong umiiyak nang tuluyan na akong maglakad papasok sa bakuran namin , ang mga puting ilaw na nagbibigay nang liwanag sa paligid ay parang mga bituin na kumikinang sa mga mata ko , kasabay nang musika na naririnig ko. Tila ba nakisama ang magagandang bulaklak ni ate sa magandang paligid kahit binabalot nang dilim , at tanging liwanag nang puting ilaw ang tumatama sa kanila. Nang makarating ako sa tapat ni Gio ay hinampas ko ang braso niya habang umiiyak na parang bata ngunit tinawanan niya lamang ako tsaka niya hinawakan ang bewang ko at hinalikan ang aking noo.

"Why are you crying babe , hmm?"

"Eh kasi ikaw.." Tinawanan na naman niya ako kaya napanguso ako.

"Wala pa nga akong sinasabi umiiyak ka na diyan agad.."

Masama ang tingin ko sa kanya kahit patuloy pa ding tumutulo ang luha ko.

"Sa loob nang 20 years ko sa mundo , hindi ko pa naranasan ang ganitong bagay.." Lalong lumakas ang pag-hikbi ko at napayakap sa kanya pero wala akong ibang narinig sa kanya kundi ang mahina niyang pagtawa at maramdaman ang paghalik niya sa gilid nang aking ulo. "Anu ba kasi ito ? Kanina pa kita hinahanap simula pag-gising ko.." Umiiyak pa din na sabi ko sa kanya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap ko at hinawi ang iilang hibla nang buhok na humaharang sa aking mukha habang matamis na nakangiti. Inabot niya sa akin ang mga pulang bulaklak na hawak niya kaya naman tinanggap ko iyun nang lumuluha at nagtataka.

"Para saan ito?"

Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko tsaka niya unti-unting binuksan ang pinto nang munti naming bahay noon. Kung namamangha na ako kanina dahil sa mga puting ilaw sa labas ay mas lalo akong humanga sa dim na kulay nang paligid sa loob , may mga kandila sa paligid at mga lobong nagkalat sa sahig. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga bulaklak na sa nagkalat sa sahig ngunit ang naagaw nang atensyon ko ang mga pictures naming nakalambitin sa maliliit na tali at natatamaan din nang maliliit na ilaw. Napangiti ako habang lumuluha nang makita ang unang picture namin noon , yun yung pangalawang beses na nagkita kami sa resort. Kumakain ako gamit ang kamay ko tapos bigla niyang naisipan na mag-selfie kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti kahit may hawak akong pagkain sa kamay ko.

Maraming pictures ang nakalambitin sa paligid ko at lahat yun ay litrato na magkasama kaming dalawa , kulitan , harutan sa kama at kahit ang mga wacky faces namin na pictures ay nanduon. Kahit umiiyak ay may saya sa dibdib ko dahil sa mga nakikita ko.

"Para saan ito babe?"

"Mahal na mahal kita."

Magtatanong pa sana ako ulit kaso narinig ko bigla ang pagkanta ni Jas na sinasabayan din ni Ciemar at pareho silang nakangiti habang nakatitig sa akin. Lalo pa akong napaiyak nang makita ko ang lahat nang kaibigan ko sa likudan nila habang matamis na nakangiti sa amin , nandun din si Hailey na ngiting-ngiti din habang kalong nang kanyang Daddy.

Hindi pa manlang ako nakaka-recover sa gulat dahil sa pagkanta nila Jas ay muling nagbigay nang liwanag ang maliit na TV sa paligid , napanguso ako nang makita ang mga pictures ko duon. May natutulog , may naka-nguso at may nakasimangot ngunit karamihan sa pictures ay parang nakaw lang. Hindi ako nakatingin at halatang kinuha iyun nang hindi ko alam.

"Babe.." Humihikbi na sabi ko.

"Dati tumatakbo lang yung mundo ko sa trabaho tapos school then barkada tapos bahay na ulit. Paulit-ulit na ganun , nagkaroon ako nang girlfriend sa past ko pero hindi naman naging okay. Akala ko duon na lang iikot ang buhay ko , work, school , friends and then bahay na ulit tapos ang pahinga ko na lang sandaling pagtulog tapos babalik na naman ako sa routine nang life ko everyday.." Napatitig ako sa kanya nang marinig ko ang mga salita niya , punong-puno nang emosyon ang mata niya at tila ba kumikinang ang luha niya na nagbabadyang pumatak. "..yung lagnat ko , yung mga sakit sa katawan ko , yung pagod ko sa araw-araw itinutulog ko na lang kapag libre na yung oras ko. Kahit pagod na pagod na yung katawan ko , yung isip ko sa buong araw wala akong ibang choice kundi ituloy ang buhay ko. Duon nagsimula na akong mag-isip , kelan kaya darating yung babaeng tatanggapin ako. Yung maiintindihan ang oras ko , yung mahaba ang pasensya sa ugaling meron ako. Yung mamahalin ako nang buong-buo na kahit ito lang ako , na kahit hindi naman ako magiging best boyfriend sa mundo , tatanggapin ako. Dati kasi pangarap ko lang yung magkaroon nang babaeng katulad mo babe. Yung hindi magsasawa na mahalin ako araw-araw." Nakagat ko ang ibaba kong labi nang makita ko ang pagpatak nang kanyang luha. "..tapos nakita kita , duon sa panahong hindi ako okay. Yung maganda mong mukha ang nasilayan ko nung maging malinaw ang paningin ko , yung nag-aalala mong mata ang nakatitig sa akin kahit hindi mo naman ako kilala. Simula nung makita kita , hindi na nawala sa isip ko yang mapungay mong mata , matangos mong nose , red lips at yung ngiti mo nung makita mong naging okay na ang pakiramdam ko. Nung tinalikuran mo ako at iniwan mo sa akin yung baunan nang water mo , pinangako ko na sa sarili ko na hahanapin kita at hindi ako titigil hanggang sa makita ulit kita." Hinawakan niya ang pisnge ko at pinunasan ang luha ko kahit umiiyak din naman siya.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now