Chapter 54

670 26 4
                                        


---

Madilim na nang makarating kami sa HOTEL na tutuluyan namin sandali , halos kalahating araw kasi ang naging byahe namin kaya kahit maaga kaming umalis sa tarlac ay gabi na din kaming nakadating dito sa Quezon.

"Tara na!" Tipid akong ngumiti at sumunod kay Ate Loyda nang makuha niya ang card nang room namin.

Tahimik lang ako sa elevator hanggang sa makapasok kami sa hotel room namin ! Simple lang naman iyun , may dalawang bed para sa amin ni Ate.

" Nagugutom ka na ba?" Tanong niya habang inaayos ang gamit sa kama niya.

" Tumawag kasi yung kaibigan ko ate , papunta sila dito ngayon eh!"

" Ayos lang!" Ngumiti siya " May kaibigan din kasi ako na malapit dito .. Bibisitahin ko na lang siguro isasama ko na si Jolex , maaga pa naman!" Sagot niya.

" Sige ate ! Tawagan mo na lang ako!"

" Maliligo lang ako sandali!"

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya tsaka ko nilabas ang damit kong pampalit para mamaya pagsundo sa akin nila Meng!

Nag text kasi sila na nakaalis na sila nang pag-asa at sigurado akong maya-maya lang ay nandito na sila , sabi ko kasi hindi ako magtatagal kaya ngayon na kami magkita dahil baka maging busy na ako bukas.

Naglabas lang ako nang ripped jeans at black na long sleeve tsaka yung suot kong white na shoes , natapos din naman agad si Ate loyda kaya ako na ang sumunod na gumamit nang banyo at agad na nagpalit , hindi ako naligo dahil hindi kaya nang katawan ko kapag ganitong maliligo ako sa gabi baka bigla na lang akong atakihin nang hika ko.

" Sabay na tayo paglabas ma'am!"

" Ate loyda , sessai na lang!"

Tumawa siya " Sige pero ngayon lang po ha .. Baka magalit si Madam!" Ngumiti lang ako sa kanya at tsaka sumunod sa kanya paglabas namin nang hotel room namin.

Bigla namang nag vibrate ang phone ko dahil sa tawag ni Gio , muli ay naramdaman ko na naman ang bigat nang pakiramdam ko nang maalala ang mga sinabi ni Gerian -- nagtataka ako , bakit hindi niya sa akin sinasabi ?

"Babe!" Lumingon pa sa akin si Ate nang pindutin niya ang elevator at sandali pa kaming naghintay sa pagbukas nun.

" Im sorry hindi ko nasagot ang tawag and text mo kanina , nasa meeting kasi ako!"

Pinauna ko si Ate loyda sa pagpasok nang elevator ng bumukas ito bago ako sumunod.

" Ayos lang ! Nakauwi ka na ba?"

" Pauwi pa lang po ako babe!" Nakarinig ako nang pagsara nang pinto ng kotse!

" Ingat sa pagmamaneho babe!"

" Sobrang mis na kita agad" Mabigat ang paghinga na sabi niya , napangiti tuloy ako dahil kahit di ko siya nakikita ay alam kong nakanguso na naman ito "Dapat kasi isinama mo na lang ako diyan!" Dagdag niya pa.

"Babalik din ako agad , promise ide-date kita kapag nakauwi na ako Babe!" Malambing na sabi ko sa kanya.

" Talaga po babe ? Ide-date mo ako?" Natawa ako dahil sa boses niyang parang bata.

" Tinatawanan mo ako ay!"

" Ang cute mo kasi!" Natatawang sabi ko at nakagat ang ibabang labi nang lingunin ako ni Ate loyda , buti na lang dalawa lang kami ngayon sa elevator " Wag ka nang malungkot diyan , babawi ako pagbalik okay?" Sabi ko.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now