Chapter 56

596 23 5
                                    


---

" Natatakot akong magising na lang isang araw na di na kita nakikita at nakikilala!"

" Natatakot akong magising na lang isang araw na di na kita nakikita at nakikilala!"

" Natatakot akong magising na lang isang araw na di na kita nakikita at nakikilala!"

Mariin akong napapikit at napabuga na lang nang hangin sa kawalan ! Ilang araw na ang nakakalipas pero malinaw pa din sa isipan ko ang paulit-ulit na salitang binitiwan ni Gio nung nakaraang araw ! Hindi ko nga alam kung nakakatulog pa ba ako nang maayos dahil sa mga salitang yun ni Gio.

Sumandal ako sa inuupuan ko at napahilot sa sintido ko nang kumirot na naman ito ! Hindi pa manlang sumasapit ang tanghali ay pagod na ang mata ko sa sobrang pagtutok sa laptop at ibang paper works na tambak sa table ko.

Binalingan ko nang tingin nang office ko ng may kumatok duon at bahagyang bumukas.

" Yes ate?" Matamlay kong tanong ngunit tipid na nakangiti.

" May bisita ka!" Nagtatanong ang tingin ko sa kanya , binuksan niya nang mas malaki ang pinto nang office ko at pumasok duon si Geraldine na di ko inaasahang bibisita sa akin.

Napatayo ako sa gulat.

" Naka-istorbo ba ako?" Ngumiti ako at umiling tsaka ko itinuro ang upuan sa tapat nang table ko.

" Maupo ka!"

" Hindi na ! Sandali lang naman ako .. Hinatid ko lang itong foods na pinadala ni Kuya for you daw!" Ipinatong niya sa table ko ang isang  brown na paper bag ..

" Naku ! Salamat ! Sorry naistorbo ka pa!"

" It's okay ! Gusto ko din sana na makausap ka kung hindi ako nakakaabala!"

Lihim akong napalunok sa kaba dahil sa titig niyang tila bumabaon sa kaluluwa ko.

" Okay lang ! About saan?" Nakangiting sabi ko pilit na itinatago ang kaba sa harap niya.

Hindi ko alam kung bakit iba ang kaba ko kapag nandiyan siya , natural na siguro talaga ang pagiging suplada sa mukha niya , mas kamukha siya ni Gio kesa kay Gerian ang kaso nga lang medyo mababa siya kumpara kay Gerian at mas matangkad pa ako sa kanya pero lamang siya sa itsura dahil sumisigaw ang ganda niya lalo na sa maputi at makinis niyang balat dagdag pa ang mahinhin at pino niyang galaw dahil din siguro sa doctor siya.

" About sa relationship mo sa kuya ko!"

Nilabanan ko ang titig niya sa akin , hindi ako nagsalita at hinihintay ang sasabihin niya.

" Honestly , i don't like you!" Napaiwas ako nang tingin sa sinabi niya " pero hindi din naman kita hate , basta ang alam ko lang nung malaman kong girlfriend ka nang kuya ko ! Hindi na kita gusto!" Dagdag niya pa.

" Yan ba ang sasabihin mo kaya ka pumunta....dito?" Mahinang tanong ko.

Ngumisi siya at nag-krus nang braso sa kanyang dibdib ! Gusto kong ma-insulto sa ginawa niyang pagtingin sa akin mula ulo hanggang paa tsaka niya  ako tinaasan nang kilay at nakakalokong tumawa ng mahina.

" Kung ikukumpara ka sa mga past girlfriend nang kuya ko ? Walang-wala ka!" Hindi ko alam na yung pagod ko pala kanina ay mas madadagdagan pa ngayon " Kay rika pa lang , walang-wala ka na!" Dagdag pa nito dahilan para umangat ang tingin ko at muling labanan ang matalim na titig niya sa akin.

Tipid akong ngumiti , pinapakalma ang sarili dahil hanggat maari -- ayokong magbibitaw ako nang salita kapag naiinis ako.

" Don't worry , hindi naman ako nakikipag-lamangan sa kanila!" Mahinahong sagot ko.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now