----LOYDA
Sobrang kabado ako nang iwanan ako ni Ma'am sessai sa kusina kasama ang mommy niya , kung takot ako sa kanya ay mas natatakot ako sa presensya nang kanyang ina.
Hindi ko halos malunok ang kinakain ko dahil sa malakas na kabog nang aking dibdib.
"What's that?"
Nilingon ko ang kasambahay nila na may dalang mga pagkain , kung hindi ako nagkakamali ay iyun ang dala nung dalawang lalaki kanina sa may sala.
"Dala po nung bisita ni Ma'am sessai."
"Nagkakaroon pa pala siya nang manliligaw ? Bakit hindi na lang niya sagutin ang isa sa kanila?" Kung hindi ko tinignan si madam ay hindi ko malalaman na ako pala ang kinakausap niya. "What's wrong with you loyda ? Are you okay woman?" Kabado akong ngumiti tsaka tumango.
"A-ayos lang po madam."
"Anu bang dinala mo sa batang yun?"
"Hindi ko din po alam madam , naka-plastik po kasi mukhang para sa kanya lang." Sagot ko at muling kumain kahit sobra-sobra ang kaba ko.
"What's with that envelope."
Bulong nito sapat lang para marinig ko.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko tsaka ako nagpaalam na aakyat lang sandali sa kwarto ni ma'am sessai upang magpaalam , pero nang pagbukas ko nang pinto nang kanyang kwarto ay nagulat ako sa matalim na titig ni Ma'am sessai , tahimik lang siya pero ang mata niya ay galit na galit habang hawak ang brown envelope at ibang papers na laman yata nang envelope na hawak niya , may napansin din akong ibang pictures pero hindi iyun malinaw sa akin dahil hindi ko malapitan.
"Ma'am."
Hindi siya sumagot pero ang pananahimik niyang iyun nagdulot sa akin nang kaba at takot na hindi ko maipaliwanag.
"Se-sessai."
"Aalis tayo."
Napalunok ako sa takot nang marahas niyang ibalik sa envelope ang mga hawak niyang papers at pictures , nagmadali din siyang magpalit nang damit sa banyo , paglabas niya ay naka-maong pants na ito at simpleng v-neck shirt na black , napaatras pa nga ako nang bahagya sa may pintuan dahil kung hindi ako aatras mababangga niya ako.
Kabado ako nang sundan ko siya pababa nang hagdanan habang may kinakausap siya sa phone at hindi pinansin ang presensya nang kanyang ina.
"Where are you going?"
Napaiwas ako nang tingin dahil sa maitim na aura na talagang bumabalot sa kanya ngayon , simpleng paglingon lang naman ang ginawa ni Sessai pero gumuguhit ang galit duon.
"May kakausapin lang....PO." Nataranta ako bigla nang balingan niya ako. "Let's go." Sabi niya at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Nagmadali akong sumunod sa kanya , sumakay agad siya sa back seat kaya dumiretso na ako sa fron seat , tinignan pa ako ni Jolex kung anung meron pero nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko din alam kung bakit iba ang aura nitong si Sessai ngayon.
"Hello atty. Joseph Serdenia...."
Napasinghap ako sa gulat nang marinig ko ang pangalan ni Atty. Serdenia -- kung hindi ako nagkakamali , siya ang lawyer nang namatay na daddy nila Sessai ? Bakit niya kausap si Atty Serdenie ? Anung meron ?
Napuno nang tanong ang isipan ko sa buong byahe at kasama duon ang kaba na hindi ko maipaliwanag lalo na ang takot sa pweding mangyari kapag nagkita si Atty.Serdenia at si Sessai -- napapikit ako nang mariin at pilit na nilibang ang aking sarili sa pagtanaw sa labas nang bintana.
