Chapter 96 - Engagement Party ( 1 )

666 17 4
                                    


----

TULALA ako nang umakyat ako ulit sa guest room para bumalik sa trabaho. Si Ate delia na lang din ang sinabihan ko para tawagan si Gio at sabihing nakita ko ang phone niya sa kwarto. Nagtanong si Ate loyda kung anung problema pero mas pinili ko na lang ang manahimik at hindi sabihin sa kanya ang nabasa ko sa phone ni Gio , itinuon ko ang sarili ko sa trabaho at pilit na pinakalma ang isipan ko para maiwasan ko ang mag-isip nang kung anu-anu. Naiintindihan ko naman kung bakit hanggang ngayon ay hindi sa akin sinasabi ni Gio ang sitwasyon niya , ayaw niyang nag-aalala ako lalo na't buntis na ako sa magiging anak namin. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang di ko mapigilan ang aking pagluha. Naramdaman ko ang pagtitig ni Ate loyda sa akin kaya mabilis kong pinunasan ang aking pisnge at itinuon muli ang aking atensyon sa laptop ko.

Hindi naman tumakbo ang oras ko sa trabaho dahil madalas akong antukin. Mas gusto ko na din yung nakakatulog ako para kahit paanu ay naiiwasan ko ang mag-isip dahil baka pati ang baby namin ay maapektuhan.

"Sessai." Nag-angat ako nang tingin kay ate loyda na kakapasok lang ulit nang kwarto.

May mga dala siyang folders na galing sa tao namin sa kompanya.

"Ito na yung mga papers na kailangan nang perma mo , si Sara ang nagdala.." Sabi niya at ipinatong sa table ko ang mga folders.

Ngumiti ako at tinignan ang mga iyun.

"Pwedi mo bang tawagan si Kuya Zac ate loyda , pakisabe sa kanya na ipinasa ko na sa kanya yung files na galing sa Quezon. Tinatawagan daw siya ni Engineer Jairo kaso hindi siya ma-contact.." Sabi ko at muli kong ibinalik ang tingin ko sa laptop ko.

"Sige po." Sagot niya.

Naging abala na ako ulit sa ibang papers sa table ko , matapos kong permahan ang ibang papers ay kinuha ulit ni Ate loyda sa akin at ipinatong sa table niya. Siya na kasi ang magdadala nun sa kompanya.

"Kailangan mo din palang puntahan yung project sa quezon , paanu yan ? Papayagan ka kaya nang asawa mo?" Tanong ni Ate loyda na abala sa pagbabalat nang mangga na pinakuha ko sa kanya.

"Papayag siguro yun kung kasama siya."

"Galit pa naman yun kay Engineer Jairo."

Ngumiti ako at hinawakan ang tiyan ko. "Hindi na siguro magseselos yun , buntis na ako at malapit na naming matapos ang mga kailangan sa kasal.." Sabi ko kay ate loyda at kinuha ang mangga na nabalatan na niya.

"Akala ko nga ay next year pa ang kasal mo , mukhang mas mapapaaga pa yata.."

Natawa ako at tumango.

"Mas gusto ni Gio na this year na ang kasal namin , siguro after nang wedding nila Meng kasal naman namin ang sunod.." Sabi ko sa kanya habang matamis na nakangiti.

"Hindi pa ako nakakapag-ipon nang gift ko para sa kasal mo , anu ba yan." Mas lalo pa akong natawa at kinurot siya sa braso.

Napa-aray naman siya at tinarayan ako.

"Kahilig mo mangurot.."

"Hindi ko naman kasi kailangan nang gift , yung makita kitang nasa kasal ko ay okay na ate loyda. Sasabihin ko nga kay Gio na ilagay sa invitation na wag nang magdala nang gifts , kami na lang ang magbibigay nang gifts sa mga bisita dahil pumunta sila sa pinaka-mahalagang araw namin ni Gio.." Nakangiti kong sabi sa kanya at kumagat sa mangga.

"Araw-araw ay pinapahanga mo ako.."

"Araw-araw naman ay OA ka , palibhasa ay wala kang boyfriend."

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now