Chapter 29

795 23 2
                                    


----

" Ito tignan mo " Napatingin ako sa photo album na inabot ni Ate kay Kuya Zac .

Katatapos namin kumain nang tanghalian kaya nasa sala kaming lahat ! Magkatabi sa mahabang upuan sila Ate Sally tapos nasa gitna si Kuya Zac at kasunod si Ate Zab na ngiting-ngiti sa pagbuklat nang Photo album ..

Si Gio naman katabi ko at nilalaro ang mga daliri ko at paminsan-minsan ay pinipisil ang kamay ko ..

" First birthday niya yan " pagtutukoy ni Ate sa picture ko na karga ako ni Tatay .. Kumpleto kami dun nila ate at nanay !

" Baby look ! Girl version mo talaga siya oh .. Ganyan na ganyan ang face mo nung Baby ka pa eh ! So cute!" Bumungisngis si Ate Zab ..

Tipid akong ngumiti nang tignan ako ni Kuya tsaka niya ulit binalik ang tingin sa hawak niyang album ..

" First day niya sa kinder at tuwang-tuwa siya nung ihatid namin siya ni Nanay sa school .. " Sabi ni Ate sa picture ko nung naka uniform ako sa kinder ..

Red na palda at blouse na white tsaka maliit na back pack ..

Naramdaman ko ang paghalik ng ilong ni Gio sa balikat ko kaya napalingon ako sa kanya ! Bagsak ang mata niya nang tignan niya ako , para siyang pagod at antok na antok ..

" Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko!

" Opo babe!" Hinaplos ko ang pisnge niya at napapikit naman siya sandali sa ginawa ko tsaka niya sinubsob ang mukha niya sa balikat ko ..

" Pumasok ka muna sa kwarto .. Magpahinga ka ! Wala ka pa yatang maayos na pahinga " Inalis niya ang pagkakasandal niya sa balikat ko at ngumuso na parang bata na naman ..

" Ayaw ko .. Okay lang ako!" Tumawa ako nang mahina ! Dinig ko din ang pagtawa nila Ate Zab kaya tinignan ko sila at busy pa din sila sa pagtingin sa Photo Album ..

Binalingan ko ulit si Gio ng maramdaman ko ang pagyakap ng braso niya sa bewang ko habang nasa gilid ko siya tsaka niya sinubsob ang mukha niya sa balikat ko ..

" Sige na ! Dun ka na sa kwarto para makatulog ka nang maayos .. " Tinapik ko ang balikat niya pero umungol lang siya ..

Naramdaman ko ang pagtitig ni Kuya at nanlilisik ang mata niya kay Gio .. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako !

Mukhang mas mahigpit si Kuya Zac kesa kay Ate Sally ah .. Delikado !

" Hoy Buenavista ! Bakit nakayakap ka sa kapatid ko ? Gago!" Tinawanan lang ni Ate Zab si Kuya Zac ..

" Inaantok ako bro .. "

" Kapag inaantok ka kailangan ba nakayakap ka sa kapatid ko ? HINDI PA KAYO!" Singhal na naman ni Kuya at tumawa na naman si Ate Zab at nakisabay na si Ate Sally na napapailing habang natatawa ..

" Hayaan mo na ! Matanda na yan!" Saway ni Ate Sally ..

Bumuka ang bibig ni Kuya para sana magsalita nang takpan ni Ate Zab gamit ang palad niya tsaka niya hinalikan sa pisnge ..

" Tama si Sally baby .. Hayaan mo na sila!"

" Hindi .. " pagmamatigas ni Kuya at tinignan na naman si Gio na unti-unting lumuluwag ang pagkakayakap sa akin at dinig ko na ang malalim nitong paghinga ..

Nakatulog na siya !

" Hoy Buena --- " Inilagay ko sa labi ko ang daliri ko para sabihin kay Kuya na wag maingay at natigilan naman siya ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now