---Nagising ako nang may maramdaman akong malambot na lumapat sa noo ko ! Unti-unti kong iminulat ang mata ko at sumalubong sa akin ang ngiti ni Gio .. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at agad na hinawakan ang pisnge niya !
" Sorry nakatulog ako " Natatarantang sabi ko! Ngumiti naman siya " Ayos ka na ba ? May masakit pa ba sayo ? Anung masakit ? Masakit pa ulo mo ? Sabihin mo sa -- " Hindi ko natapos ang sunod-sunod na tanong ko nang hilahin niya ako palapit sa kanya at niyakap ako tsaka kami sabay na bumagsak muli sa kama ! Bumagsak ako sa dibdib niya at mas niyakap pa ako nang mahigpit ..
" Don't worry ! Im okay ! Pasensya ka na pinag-alala pa kita ng sobra .. " Inangat ko ang ulo ko habang nakahiga pa din kami para makita ko ang mukha niya !
" Sigurado ka bang ayos ka na?" Ngumiti siya at bumangon !
Nakatuon ang siko niya sa kama habang nakatigilid paharap sa akin at sinuklay niya nang kamay niya ang buhok ko .. Muling sumilay ang ngiti niya !
" Thank you "
Napanguso ako at dinamba siya nang yakap ! Humalakhak siya at muling humigpit ang pagkakayakap niya sa akin ..
" Nag-aalala ako ! Masiyado ka kasing nagpapakapagod sa trabaho mo .. "
" Ang sarap pala nang ganito .. "
Inangat ko ang mukha ko para salubungin ang mata niyang namumungay , halatang kagigising lang din niya !
" Alin naman ? "
Ngumiti siya at umupo na sa kama kaya naman umupo din ako sa harapan niya !
Napasinghap ako nang bumagsak ang mukha niya sa leeg ko at naramdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko ganun din ang pagpulupot nang braso niya sa bewang ko .. Bakit tila kumportable na ako tuwing ginagawa niya ito ?
" Ang sarap sa pakiramdam na nag-aalala ka pero ayokong nag-aalala ka "
" Huh ? "
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang humalakhak siya habang nasa leeg ko pa din ang mukha niya ! Anak nang ! Bakit tumatawa siya nang nasa leeg ko .. Putik !
" Ayokong nag-aalala ka kasi mas nag-aalala ako .. " Hindi ako sumagot kaya umangat ang ulo niya at tinignan ako !
Nakangiti siya at muling hinalikan ang noo ko!
" Nagugutom ka na ba ? Meryenda na tayo?" Hinawakan ko ang braso niya at tinignan ang oras sa orasan sa braso niya !
" 3:36 pm na pala ! Sige meryenda tayo .. "
Ngumiti siya at una siyang bumangon sa akin ! Inalalayan niya ako pababa nang kama .. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at lumabas kami nang kwarto ! Bumaba kami agad at dumiretso sa restaurant nang resort ! Napangiti ako nang kumaway si Ate Zab sa amin at kasama niya si Kuya Zac na nakangiti din na kumakaway sa amin .. Napalingon ako kay Gio nang lingunin niya ako !
" Sabay na tayo sa kanila?"
" Ayos lang sa akin "
Iginaya niya ako palapit kay Kuya Zac at Ate Zab ! Tinawag niya ang waiter at agad na umorder nang meryenda ..
Tumingin ako kay Kuya Zac na nasa kaliwa ko ! Nakangiti siya sa akin ..
" Kagigising mo lang ba ? " nahihiya akong ngumiti sa kanya ..
" Opo ! Nakatulog din po ako ay .. " Tumango siya at binalingan niya nang tingin si Ate Zab na nakangiti din sa akin ..
" Kamusta pakiramdam mo bro?"
