----
Maaga akong nagising katulad nang oras na nakasanayan ko sa Probinsya ! Gumising ako sa malaking kama na kasyang-kasya kami nila Meng , Flor at jas isama pa si Hailey sa paahan pata okupado ang buong space ..
Muli kong inilibot ang paningin ko sa apat na sulok nang kwarto ! Nakaharang pa ang puting kurtina na sayad na sayad ang tela hanggang sa sahig .. Nahaharangan nito ang SLIDING DOOR patungo sa Terrace nang kwarto na may bakal na mesang bilog at dalawang bangko na gawa din sa bakal ! Tanaw na tanaw sa terrace ang malaking POOL at magandang Garden nila Kuya ! Simple lang naman ang kwarto ko .. May cabinet na may mga bagong biling damit na nakahanda na talaga yata sa akin ! May mga sapatos na din duon na kasyang-kasya sa sukat nang paa ko .. Katulad sa kwarto ko sa PROBINSYA ay may sarili akong banyo pero kasing laki naman nang kwarto ko sa Probinsya ang banyo ko dito .. May flat screen TV at may mga player na di ko maintindihan kung anu yun basta sabi ni Manang kagabi pwedi daw akong mag-music duon !
Naghilamos ako at nagpalit nang damit bago bumaba ! Naka-short lang ako na malambot ang tela at shirt na malaki sa akin ! Nakasanayan ko ito at kumportable ako ..
Tahimik pa ang buong bahay ! Wala namang masiyadong pasikot-sikot sa bahay kaya natukoy ko agad ang maganda at malaking kusina nila Kuya ! Para ngang CABINET na gray ang ref nila na punong-puno nang mga pagkain , fresh na prutas at gulay .. Jusko !
" AY PANGINOON .. " Napahawak ako sa dibdib ko dahil gulat lakas ng sigaw ni Manang na nag echo talaga sa buong bahay!
Lumakad siya palapit sa akin at hinampas ang braso ko ! Natawa ako ngunit dumadaing sa sakit nang hampas niya ..
" Magandang Umaga po .. "
" Naku ikaw talagang bata ka ! Aatakihin ako sa puso sayo dahil sa gulat .. "
Natawa naman ako ..
" Pasensya na po manang!"
Umiling-iling lang ito at ngumiti ..
" Bakit ba ang aga mong magising ? Madilim pa sa labas anak ! Masiyado pang maaga .. "
Ngumiti ako at kumuha nang tubig at inubos iyun agad ..
" Maaga po talaga akong gumigising manang ! Nasanay po kasi ako na maaga pa lang ay bumabangon na para makapaglinis sa harapan at likudan nang bahay tsaka diligan ang mga halaman ni ate na gulay at mga bulaklak sa harapan bago ako kumain nang Almusal ! Tsaka lang po ako magluluto pagkatapos maglinis .. Kailangan ko po kasi makaluto na agad dahil papasok pa si Ate Sally sa Clinic!" Mahabang paliwanag ko !
Nakatitig lang siya sa akin at nakangiti ! Humakbang pa siya palapit sa akin at hinawakan ang mga pisnge ko ..
" Pinalaki kang maayos at mabuting bata nila Binyeng ! Kahit nagagalit ako sa kanila dahil sa paglayo nila sayo ? Hindi ko maiikaila na lumaki kang mabuting bata Zhyren .. " Tipid akong ngumiti nang marinig ko ang tinawag niyang pangalan sa akin ..
" Manang ! Pwedi po bang SESSAI na lang ang itawag niyo ? Hindi po ako sanay ! Baka po may magnanakaw na sa likod ko tapos tinatawag ako sa ganyang pangalan ay hindi ako lumingon!" Natatawang sabi ko at natawa din naman siya tsaka niya pinisil ang ilong ko!
" Ay naku anak pasensya na ! Sige sessai!"
Matamis akong ngumiti at yumakap sa kanya sandali ..
" Salamat manang ! Tutulungan ko na po kayong magluto nang almusal .. Anu po bang almusal ni Kuya at Zherlyn madalas?"
" Si Zac konti lang yun kumain .. Lage kasing late gumigising kaya madalas hindi na kumakain ! Si Zherlyn naman hindi yun mahilig sa kanin .. Apple at juice lang okay na yun ! Diet kasi yun!" Nagsalubong ang kilay ko
