Chapter 80

691 25 24
                                        


----

LOYDA

PINAGMASDAN ko na lang si Sessai na para bang pagod na pagod na umaakyat nang hagdanan at diretsong pumasok sa kwarto niya habang patuloy namang umiiyak si Madam at yakap ni Manang.

Sa totoo lang kahit hindi ko naman sila kamag-anak ay nasasaktan ako lalo na sa sitwasyon ni Sessai pero disappointed talaga ako kay madam dahil bago pa ako maging secretary nang anak niya ay matagal akong nag trabaho sa kanya pero hindi sumagi sa isipan ko na makakagawa siya nang ganitong bagay , kilala ko na siya bilang masungit at strikta pero yung ganitong bagay ? Parang hindi ko yata kayang intindihin ! Basta ang nasa isipan ko ay kung anu bang tumatakbo sa utak ni Sessai ngayon.

"Hellen , kumalma ka muna."

Umiling-iling lang si madam habang patuloy na umiiyak.

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tahimik siyang pagmasdan , gusto ko sanang sundan si Sessai para damayan siya pero naisip ko na baka gusto niyang mapag-isa.

"Paanu nakausap ni Sessai si Atty. Serdenia ? Ha ? Loyda ? TELL ME." Napaatras ako sa lakas nang sigaw ni Madam habang umiiyak.

"Hindi ko po alam madam."

"Paanung hindi mo alam eh ikaw pa nga ang nagbigay sa kanya nang lintik na envelope na yun diba ? So now tell me ! Paanu nakarating sayo ang --- "

"Ako."

Pare-pareho kaming nagulat nang marinig ang malaking boses ni Engineer Zac na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin.

Napalunok ako sa kaba nang makita ko ang galit sa mga mata niya ngunit katulad ni Sessai ay nanatili siyang kalmado kahit sumisigaw sa galit ang mga mata niya ..

Magkapatid nga sila , pareho nang ugali.

"Son."

"Bakit mo nagawa ang bagay na yun?"

"Son ! Please , listen to me first."

"No." Naitakip ni Madam ang mga palad niya sa kanyang bibig at muling napaiyak. "Sa lahat po nang nalaman ko , parang hindi ko na alam kung nagsasabi pa ba kayo nang totoo o baka pinapaikot niyo na lang din ako sa mga plano niyo sa kapatid ko." Napansin ko ang dala niyang mga pagkain nang humigpit ang pagkakahawak niya duon.

"Son please.."

"It's okay." Ngumiti siya pero halata pa din ang galit sa mga mata niya."katulad nang kapatid ko ay iintindihin ko po ang mga ginawa niyo , ang importante lage lang akong nasa tabi nang kapatid ko." Umiwas ako nang tingin nang makita ko ang pagtulo nang luha ni Engineer habang nakatitig ng diretso sa mommy niya na walang tigil sa paghikbi."kasi ayoko po na mabuhay ang kapatid ko sa galit , ayokong dumating siya sa punto na puro galit na lang ang nararamdaman niya at konting-konti na lang ang pagmamahal sa puso niya." Tumama sa puso ko ang mga salita niya , ang mga salita niya na nagpapatunay na mahal na mahal niya talaga ang kapatid niya sa ama.

"Gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ni Daddy at nang kanyang ina na hindi niya naramdaman dahil ipinagdamot niyo yun sa kanya." Nabasag ang boses ni Engineer at katulad ni manang ay hindi ko na din napigilan ang aking pag-iyak. "Tutulungan ko siya na bumangon ulit mommy , yayakapin ko siya hanggang sa mawala yung sakit at patatahanin katulad nang ginagawa namin sa kanya noon ni Daddy kapag umiiyak siya sa hating-gabi." Humakbang siya palapit sa mommy niya at pinunasan ang basa nitong pisnge dahil sa mga luha. "I love you mom, pero hindi kasama sa pagmamahal ko sayo ang kampihan ka sa mga maling ginagawa mo , mahal ko si Zherlyn at si Sessai handa akong saluhin lahat nang sakit para sa mga kapatid ko , kaya kong ibigay sa kanila ang mundo ko at ang buong pagmamahal ko mommy , ayokong iiyak sila , ayokong nasasaktan sila at sana katulad ko ganun din kayo hindi lang kay zherlyn pati sana kay Sessai na pinagkaitan niyo nang pagmamahal ni Daddy ganun din nang kanyang ina." Lalo pa akong napaiyak nang marinig ko ang sinabi niya sa kanyang ina at hinalikan pa ito sa noo bago muling ngumiti habang nagpipigil nang kanyang pag-iyak.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now