----KINABUKASAN ay nagising ako nang maaga , napangiti ako nang makitang tulog na tulog pa ang girlfriend ko habang nakapatong sa may tiyan ko ang braso niya at nakapulupot sa hita ko ang hita niya. Maingat kong inalis ang pagkakadantay niya sa akin at bumangon para maghanda nang almusal , hinalikan ko muna siya sa noo at labi bago tuluyang lumabas nang kwarto.
Sigurado akong malakas ang hang-over nang babaeng yun pagkagising niya.
"Oh Gio , napakaaga mong nagising.."
Ngumiti ako sa mama ni Meng nang maabutan ko siya sa kusina at mukhang nagluluto nang almusal.
"Magluluto po sana ako nang almusal."
"Ganun ba ? Tulungan mo na lang ako dito.."
Tinulungan ko na lang ang mother ni Meng na magluto nang almusal , madami din siyang mga kinu-kwento tungkol sa mga kakulitan nang mga kaibigan niya. Nagsabi din siya nang mga magagandang pasyalan dito sa kanilang lugar na hindi ko pa napuntahan nung nag stay ako dito para asikasuhin ang ibang bagay sa resort.
"Sigurado akong mas mare-relax pa kayo ni Sessai kapag namasyal pa kayo bago kayo bumalik nang Tarlac.."
"Ilang araw pa po siguro kami dito."
"Tsaka nakakamiss ang ingay nang batang iyun , hindi ko yun nakita na walang laman ang bibig. Palage kong nakikita na kumakain pero hindi naman tumataba."
Mahina akong natawa. "Malakas nga po siyang kumain , favorite place nga po yata niya ang kusina." Sabi ko at inilagay sa malaking mangko ang niluto niyang Fried rice.
"Kaya nga kailangan talaga may pagkain dito palage dahil mas madalas siya dito kapag wala siyang gawa sa Clinic nang ate niya , minsan ipag-gagawa pa siya ni Meng nang chuckie na shake para hindi maingay kapag busy si Meng sa M-Cupcakes." Halata sa mga mata nang mama ni Meng na natutuwa siya habang kinu-kwento ang ugali ni Sessai.
"Nakikita ko nga po na mahal na mahal talaga siya nang mga kaibigan niya.."
"Bunso kasi nila kaya mahal na mahal nila , mas malambing pa nga yan sa akin kesa sa anak kong si Meng." Natatawa niya pang sabi kaya napangiti ako.
Marami kaming hinanda para sa almusal , nandiyan din kasi ang iba pang kamag-anak nila Meng kaya kailangan talaga maghanda nang maraming foods for breakfast.
"Okay lang po ba kung sa room na kami kakain nang breakfast ni Sessai?"
"Sige hijo , hindi din yun maka-kakain dito dahil madaming tao."
"Salamat po."
Naghanda ako nang almusal naming dalawa nang girlfriend ko at gumawa din ako nang inumin niya para sa hang-over niya. Umakyat ako sa taas at nakasalubong ko pa si JM na kalalabas nang kwarto ni Meng at mukhang kagigising lang.
"Pre."
"Oh , aga ah."
"Mas maganda na yung may pagkain agad , baka ngayon ako awayin." Natawa naman siya at tinapik ang balikat ko.
"Ihanda mo na lang sarili mo , kahit anung mangyari sayo. Gagamutin ko na lang ang mga pasa at sugat mo."
"Sira-ulo." Natatawang sabi ko.
Tumawa naman siya at tuluyan nang bumaba nang hagdanan kaya naman diretso na akong pumasok sa tinutulugan naming kwarto ni Sessai dito sa bahay nila Meng.
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang maabutan ko siyang nag-liligpit na nang kama at nakataas na ang mahaba niyang buhok. Alam kong ramdam niya ang pagpasok ko pero hindi manlang siya nag-abala na lingunin ako o kahit ngitian lang ako sandali.

YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Roman pour AdolescentsHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !