---ZAC
" How's your project baby?" Matamis akong ngumiti nang yakapin ko ang Girlfriend ko sa bewang at hinalikan siya sandali sa labi !
" ayos lang , medyo nakakapagod at nagkaproblema dahil maulan ngayon dun!" Medyo problemadong sagot ko !
" Edi diretso pangasinan ka na?" Nakagat ko ang ibabang labi ko nang ngumuso ito ! Hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya at ginantihan naman niya ang halik ko!
" Nakakahiya kay Kuya Jolex!" Bulong niya kaya mahina akong natawa !
Kauuwi ko lang galing nang Palawan at sinundo lang ako ng girlfriend ko sa Airport ! Nag taxi daw siya papunta at tinawagan si Kuya Jolex na sunduin kami sa Airport ..
Kailangan ko kasing tignan yung lupa sa pangasinan ! Baka sandali lang tapos babalik na ako ulit sa Palawan para matapos ko na ang project ko at matulungan ko naman ang kapatid ko sa Business namin ! Alam kong sobrang pressure yun ngayon , binabalitaan kasi ako ni Gio at mukhang na-stress ang kapatid ko kaya nagagalit si Gio !
Pambihira ---
Ako itong kuya , BOYFRIEND lang siya pero siya pa itong galit na galit sa akin !
" Kuya Jolex ! Kamusta sa Bahay ? Lageng si manang ang sumagot ng tawag ko this past few days!" Nagtatakang tanong ko !
" Naku sir lage pong wala ang mommy niyo sa Bahay ! Tapos si Zherlyn naman po busy pa din sa trabaho niya .. " Sagot niya at iniliko na niya ang kotse sa gate nang mismong Village!
" Si Sessai?" Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Zab at paghawak sa kamay ko !
" Hindi po kasi ako ang naghahatid sa kanya sa Office niya ! Madalas po sinusundo siya ni Gio .. Lage pong nagmamadali na Umalis eh ! Kapag naman po kagagaling sa trabaho diretso sa kwarto tapos lalabas lang po kapag kakain tapos babalik na po ulit sa kwarto!"
Natahimik ako at agad na nag-alala nang marinig ko ang sinabi ni Kuya Jolex ! Tinignan ko ang oras .. Alas nuebe na nang gabi !
Tinawagan ko ang number ni Gio ! Dalawang tawag ko ang di niya sinagot bago niya sinagot ang pangatlong tawag ..
" Bro "
" Oh ! Corps!" Bungad nito at mukhang abala ang kamay nito sa computer !
" Nasan ka?"
" Nasa Office pa ako ! May tinatapos pa ako eh .. Nasa Tarlac ka na?"
" Oo ! Kakapasok lang namin nang Village!" Sagot ko at tumanaw sa bintana! "Yung kapatid ko ? Nakauwi na ba?" Hindi ko maitago ang pag-aalala ko lalo na nang marinig ko ang pagbuntong hininga niya ..
" Kauuwi lang bro ! Sinundo ko siya sa Office niya para ihatid siya sa bahay niyo bago ako ulit bumalik dito sa Office ko ! Pinatulog ko na muna bago ako Umalis ! Bagsak na bagsak eh ! Hindi ko alam kung anu bang mga ginagawa niya at pagod na pagod!"
Nang matanawan ko ang bahay namin ay lalo akong nanabik na makababa na at agad puntahan ang kapatid ko !
" Sige bro ! Tawagan ulit kita mamaya!"
" Nagpapagising yun ! Gisingin ko daw siya after one hour kasi kakain daw siya .. "
" Ako na bahala bro!"
" Malapit na akong matapos dito ! Dadaan na lang ako diyan para ipagluto siya ! Hindi siya naka-kakain nang maayos kapag order lang!"
" Sige bro ! Salamat!"
