-----SOL
Buhat na ni Ceimar si Jas nang makarating kami sa bahay nila sessai , lasing na lasing na kasi ito at hindi na makapaglakad nang maayos. Habang umaakyat nang hagdanan ay nakaalalay si Jasper at Gleen sa likudan ni Ciemar para hindi ito gumulong sa ibaba kapag nawalan nang balanse. Medyo antok lang naman si Meng na inaalalayan din ni JM pag-akyat , si Flor naman ay karga ang anak na tulog na tulog sa kanyang balikat.
Hinatid pa namin silang tatlo sa room pero sila JP at ang iba ay nauna na sa kwarto para matulog na dahil mga bagsak na.
"May gatas pa si Hailey?" Tanong ko kay Flor na inaayos ang pagkakahiga nang kanyang anak.
Nakahiga na din si Jas at tulog na tulog na , hinalikan pa ni Ciemar ang girlfriend niya sa noo bago nagpaalam na papasok na din sa kabilang kwarto. Si Meng naman ay nagsusuka sa banyo at inaalalayan ni JM.
Akala ko ay antok lang , lasing din pala.
"Wala na eh , naubos na niya kanina. Magtitimpla na lang ako ulit bago ako matulog." Sabi ni Flor.
Ngumiti ako at binuksan ang bag ni Hailey , kinuha ko duon ang gatas ni Hailey at ang bottle nito para mapagtimpla ko ito nang gatas."ako na lang ang magtitimpla , matulog ka na. Ilalagay ko na lang dito sa table para hindi ka na bumaba mamaya." Nakangiti kong sabi at inayos ang kumot ni Jas nang bumaba iyun sa bandang hita niya.
Lokong pinsan ko na ito , lasing na lasing na naman. Dapat dito ay inaalalayan ni Ciemar sa pag-iinom para 'di nalalasing.
"Salamat sol.."
"Sige na , matulog ka na."
Ngumiti siya at tumabi sa kanyang anak.
Paglabas ko nang pinto ay sumalubong sa akin si Manang na may dalang palanggana na may tubig at towel. Nakangiti siya sa akin at halatang kagigising lang.
"Naku pasensya na po sa abala.."
"Naku 'nak ayos lang , nasan ang kaibigan mo para mapunasan at mabawasan ang kalasingan.." Sabi ni manang. Nahihiya naman akong ngumiti at sinabing nasa banyo si Meng at JM kaya diretsong pumasok duon si Manang.
Napakamot na lang ako sa batok ko at bumaba nang hagdanan para tumungo sa kusina. Itinuro na sa akin ni Manang ang pwedi kong gamitin para sa bata dito sa kusina nila kaya naman naging madali na sa akin ang ipagtimpla nang gatas si Hailey , medyo nahihilo na din ako dahil sa antok at tama nang alak kaya kumuha muna ako nang malamig na tubig sa Ref at nagsalin sa baso.
"Bakit gising ka pa?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng bigla na lang sumulpot sa kusina si Sessai.
Natawa siya at kumuha nang chuckie.
Iinumin na niya sana iyun nang mabilis ko iyung inagaw sa kanya. "Hala bakit?" Tanong niya nang nakanguso na.
"Milk dapat ang iniinom mo , hindi chuckie." Sabi ko sa kanya.
Pinaghila ko siya nang bangko at sinabing maupo duon at ipagtitimpla ko siya nang gatas dahil mas healthy yun sa baby.
"Kanina pa kayo ? Hindi ko narinig na dumating kayo ni Gio ah." Tanong ko at saglit ko siyang nilingon habang pinagtitimpla ko siya nang gatas.
Nakita ko siyang hawak ang bottle ni Hailey at nilalaro iyun.
"Medyo kanina pa , hindi kasi dinig sa room niyo kapag may dumadating sa labas eh.." Sagot niya at ngumiti sa akin nang ipatong ko sa tapat niya ang tinimpla kong gatas para sa kanya.
