Chapter 72

680 30 20
                                        


---

GERIAN

Tapos na ako mag-ayos nang sarili ko bago ako lumabas nang room , natigilan pa ako sa pagsara nang door nang kwarto ko nang maabutan ko si Daddy sa tapat nang room ni Kuya at halos sirain na nito ang pinto.

"Dad." Tawag ko sa kanya at nilapitan siya.

Matalim na naman ang titig nito at kitang-kita na naman ang galit sa mga mata niya.

"What's wrong dad?" Pagod kong tanong.

"Kausapin mo yang kuya mo Gerian , nakaayos na tayong lahat pero siya ay wala pa yatang lumabas nang kwarto." Tila ba nagpipigil itong isigaw sa harapan ko ang sinasabi niya. "Nakakahiya sa family nang fiancee niya kung male-late tayo." May diin pang sabi nito bago niya ako tinalikuran at iniwan sa tapat nang pintuan ng room ni Kuya.

Nagtama pa ang mga mata namin ni Mommy na nasa ibaba at kahit malayo ay kita ko ang lungkot sa mga mata niya , ngunit galit naman ang kay ate na naka-dekwatro sa may sofa.

Bumuntong hininga ako at kinatok si Kuya.

"Kuya." Tawag ko sa kanya kasabay nang pagkatok ko sa pinto. "Si gerian ito ! Pwedi ba akong pumasok?" Mahinahon na sabi ko.

Akala ko ay hind niya ako pagbubuksan nang pinto pero ilang sandali pa ay narinig ko na ang pag unlock nang pinto at bumukas iyun , dahan-dahan akong pumasok sa loob ng room nang kuya ko at natigilan sa may pintuan nang makita siyang kakaupo lang sa gilid nang kama niya ..

"Kuya."

Hindi ito nag-angat nang tingin sa akin ! Magulo ang buhok niya na para bang kagigising lang niya o sadyang hindi siya nakatulog ? Naka-boxer lang din ito at halatang walang balak na sumama sa Family dinner ngayong gabi kasama ang family ni Kuya Zac ! Nakatuon lang ang atensyon nito sa phone niya habang abala ang mga daliri nito sa pag ta-type nang kung anu duon ..

"Kuya." Lumapit ako sa kanya at yumakap sa braso niya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Mabigat ang paghinga nito at naihilamos ang mga palad sa kanyang mukha.

"Kanina ko pa kasi tinatawagan si Ate mo pero hindi ko ma-contact , nag online ako sa Facebook pero hindi siya online , kagabi pa yung last na nag online siya at yun din ang last chat niya." Mabilis na sabi niya at sinasabutan na pati ang sariling buhok.

"Baka naman walang signal Kuya ? Diba sabi mo nga mahina ang signal duon sa resort?"

Umiling ito nang paulit-ulit.

"Hindi eh." Halatang nag-aalala na sabi niya.

Makikita mo sa mga mata niya ang kaba at takot dahil hindi niya ma-contact si ate sai , tinignan ko din ang phone nito at talagang napanganga ako sa dami nang chat niya kay ate ganun din sa 567 missed calls ..

"Relax kuya." Hinagod ko ang likod niya.

"Paanu kung..." Nagulat ako sa pagkabasag nang boses niya , natahimik ako lalo nang paglingon sa akin ni Kuya ay tumutulo na ang luha niya. "Paanu kung sumuko na siya ? Paanu kung naisipan na ni ate mo na iwanan ako ? Paanu kung hindi na niya ako mahal ? Baka napagod na siya." Hindi ko na din napigilan ang pagluha ko nang makita ang sakit sa mga mata niya.

Parang sinasaksak ang dibdib ko dahil sa nakikita ko kay Kuya ngayon , kitang-kita ko talaga ang sakit sa mga mata niya ganun din ang takot na baka mawala si ate sa kanya.

"Kuya baka naman gusto lang ni ate na makapag-isip pero hindi kasama duon ang pag-iwan niya sayo." Sabi ko upang pakalmahin siya. "Mahal na mahal ka nun at sigurado akong hindi ka nun susukuan." Niyakap ko ang kuya ko , umaasang mabawasan nang kahit konti ang bigat nang nararamdaman niya ngayon ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now