----After nang pictorial sa simbahan ay dumiretso kaming lahat sa venue nang reception. Pagdating sa hotel ay agad na pumila ang mga abay namin , syempre kasama ang mga partner nila habang kami ay nasa huli. Tinatawag kasi nang host ang bawat mag-partner kapag papasok at kailangan muna nilang sumayaw bago sila maka-pwesto sa table na para sa kanila.
Matapos matawag ang lahat ay muling isinara ang malaking pinto nang venue , napatingin ako sa asawa ko nang hawakan niya ang kamay ko at halikan iyun. Sa simple niyang ginawa ay sobra-sobra ang kilig na na naidulot nun sa akin.
"May I please have your attention as we welcome the new Mr. and Mrs..." Dinig naming sabi nang host sa loob , nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa masayang pakiramdam ng puso ko. "..let us welcome for the very first time as husband and wife, Gio and Sessai Buenavista! Please give them your heartfelt applause." Malakas na sabi nang host at kasabay nang malakas na palakpakan ay ang pagbukas ng pinto kaya nakangiti kaming humakbang papasok sa loob hanggang sa makita na namin ang lahat nang mga taong nandito kasama namin para i-celebrate ang kasal namin ni Gio.
Naglakad kami patungo sa gitna nang lahat habang patuloy silang pumapalakpak at matamis na nakangiti sa amin ng asawa ko. May maliit na stage sa venue at duon kami umupo ni Gio , nakangiti kong pinagmasdan ang lahat nang guest na pumunta ngayon. Proud ko pang itinaas ang aking kamay kung saan suot ko ang singsing para ipakita sa mga kaibigan ko na pumapalakpak at matamis na nakangiti sa akin.
Nabasa ko din ang salitang sinabi ni Flor na 'we love you' kaya ngumiti ako at sumagot sa sinabi niya.
"Sabay-sabay nating saksihan ang unang sayaw nilang dalawa bilang mag-asawa."
Emosyonal na inilahad ng asawa ko ang kanyang kamay sa aking harapan , sinalubong ko muna ang mga mata niya bago ko tinanggap ang kanyang kamay habang matamis na nakangiti. Inalalayan niya akong maglakad papunta sa gitna , hindi ko inalis ang titig ko sa kanyang mga mata na diretso lang na nakatitig sa akin. Naramdaman ko din ang mga kamay niya sa aking bewang at hinalikan ang aking noo at bumaba iyun sa aking ilong 'tsaka matamis na ngumiti.
Sabay naming nilingon ang mga brides maids at grooms men na pumalibot sa aming mag-asawa habang sumasabay sa kanta na maririnig sa paligid. Nasa gitna nila kami habang matamis silang nakangiti sa amin at bahagya ding gumagalaw.
Napatitig ako sa asawa ko nang marinig ko din ang pagsabay niya sa kanta habang marahan kaming sumasabay sa musika na para bang sinasabi niya lang sa akin ang bawat liriko nang kanta habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. "All I am, All I'll be , everything in this world. All that I'll ever need , is in your eyes shining at me. When you smile I can feel , all my passion unfolding.." Agad na tumulo ang aking luha nang hawakan niya ang kamay ko at marahan niyang ikinulong iyun sa bawat pag-itan ng kanyang mga daliri."..your hand brushes mine , and a thousand sensations. Seduce me cause I --- i do Cherish you , for the rest of my life you don't have to think twice. Iwill love you still from the depths of my soul ,it's beyond my control , i've waited so long to say this to you." Ngumiti ako habang umiiyak nang idikit niya ang kanyang noo sa aking noo at nagtama ang ilong naming dalawa 'tsaka niya pinagpatuloy ang pagbigkas nang liriko na humahaplos sa puso ko. "If you're asking do I love you this much -- I do." Matamis ang kanyang ngiti ng kantahin niya iyun at dinampian ng matamis na halik ang aking labi at hinalikan din niya ang balikat ko.
Tumigil sa pagsabay sa kanta ang mga brides maid at grooms men na nakabilog sa amin kaya mas narinig ko ang boses ni Gio. "In my world, before you. I lived outside my emotions , didn't know where I was going .'Til that day I found you , how you opened my life to a new paradise , In a world torn by change
Still with all of my heart.'Til my dying day.." Hindi na siya nakasabay sa pagkanta nang dampian niya nang halik ang aking noo , ganun din ang matangos kong ilong at ang magkabila kong pisnge. Napapikit pa ako nang halikan niya pati ang mga talukap ng aking mata at kahit ang chin ko ay dinampian niya ng halik.
