---
" Dito po tayo Miss --- Aray!" Kinurot ko sa braso si Ate Lhey !" Ate Lhey ha!" Tumawa naman siya habang tinuturo ang table na pinahanda niya kung saan nakahanda ang maraming pagkain at puro seafoods lahat !
" Sige na ! Enjoy your food Mi -- " tinignan ko siya nang masama kaya natawa na naman siya .. " Enjoy your foods Sessai!" Sumimangot lang ako habang nakangiti naman ang mga kaibigan ko sa kanya !
" Thanks for the food Ate Lhey!" Matamis na ngumiti si Jas kay Ate Lhey !
" Sana magustuhan niyo!"
" Naku ! Magugustuhan talaga namin kasi sobrang babango nang foods .. " tuwang-tuwa naman na sabi ni Meng at umupo sa tabi ni Flor na nakangiti din habang hinihila ni Hailey ang strap nang bra nang mama niya !
" Salamat po!" Si Flor ..
Iniwan din kami ni Ate Lhey habang takam na takam sa mga pagkain na nakahanda sa mesa ! Pinaglagay ni Meng ng pagkain si Flor sa plato nito bago niyang nilagyan nang pagkain ang plato niya .. Napangiwi naman ako nang kumati na naman ang lalamunan ko at napaubo ako ng sunod-sunod !
Hinagod agad ni Jas ang likod ko at inabutan ako nang tubig ..
" Nagbaon ka ba nang gamot mo ? Lumalala ang ubo mo!" Nag-aalalang sabi niya !
Nanahimik din si Hailey at inosenteng nakatitig sa akin pati na si Flor at Meng na nag-aalala ding nakatingin sa akin !
Uminom ako at tumikhim para mawala kahit konti ang pangangati nang lalamunan ko !
" Naka....limutan ko!" Paos na sabi ko !
Basag na basag ang boses ko!
" Baka hikain ka na naman nyan ! Wag ka munang uminom nang malamig ah!" Pagpapaalala ni Jas ..
" Yes po nurse!" Natatawang sabi ko ..
Nagsimula na din kaming kumain ! Hindi maka-kain nang maayos si Flor dahil sobrang likot ng anak niyang si Hailey kaya sinusubuan siya ni Maine para makasabay sa amin nang pagkain ..
Kahit naman kasi aso't pusa yang dalawa na yan ay sweet pa din naman !
" Saan tayo nito after?" Biglang tanong ni Jas!
Napangiwi ako nang umubo na naman ako ! Parang gusto kong lumubog sa lupa nang may mga costumers ang lumingon sa amin ..
" Are you okay?" Tumango lang ako kay Jas dahil habang tumatagal ay lalo akong nawawalan nang boses ..
" Maiiwan muna ako sa kwarto , kayo mag-enjoy lang kayo dito ! Inaantok na si Hailey .. Papatulugin ko muna!" Sagot ni Flor !
Malamlam na nga ang mata ni Hailey pero napakaingay pa din at tili nang tili ..
" Later na tayo mag-inom meng ! Tayo lang naman eh .. Hindi pwedi si Sessai!" Sabi ni Jas at kumain nang hipon ..
" Ayoko nang wine ! Mas gusto ko pa ang ibang alak kesa duon .. "
" Sa laki ba naman nang bahay alak mo sa katawan ay talagang hindi sasapat ang wine lang para ma-satisfied ka!" Nakangiwing sabi ni Jas kaya natawa kami ni Flor ..
" Ang kapal mo ! Eh malakas ka din namang uminom sa akin .. " Singhal naman ni Meng !
Isinubo niya kay Flor ang binalatan niyang hipon na tama lang ang laki bago siya sumubo nang pagkain niya ..
" Kapag nasa manila tayo , mag bar tayo!" Nilingon namin si Jas nang nagtataka ..
" Bar ? Hindi na uy ! Ang gugulo nang tao sa Bar Jasmine .. Nakakatakot lalo na't mga sosyal na tao lang ang bagay duon!" Sabi ni Meng at uminom sa juice niya ..
![](https://img.wattpad.com/cover/212171320-288-k277771.jpg)