Chapter 17

884 27 0
                                        

---

" Anu girl ? Kaya pa ? " sumubsob ako sa mesa sa sobrang sakit nang ulo ko!

Alas nuebe nang umaga nang pumunta ako dito sa Meng's Cupcake ! Habang malakas ang hang-over ko si Meng naman ay normal na normal lang ang pakiramdam ..

Ipinatong niya sa akin ang isang juice na nakalagay sa mataas na baso ! Para siyang lemon na may honey at may yelo ..

" Anu yan?" Umupo si Meng sa bakanteng upuan sa tapat ko at uminom sa kape niya!

" Pinagawa ni Gio ! Tumawag siya sa akin na pagpunta mo daw dito igawa kita niyan para mawala na yang hang-over mo!"

Wala akong imik na ininom yun at halos makalahati ko agad sa isang inuman pa lang!

" Maaga ba siyang Umalis sa inyo?" Tumango ako bilang sagot at inubos muna ang Juice na ginawa ni Meng !

" Madaling araw yata siya Umalis ! Hindi ko alam ang oras kasi hindi ako makabangon .. Nagpaalam siya kay Ate ! Nagpaalam din naman siya sa akin kaya lang di ko talaga kaya bumangon!" Medyo gumaganda na ang pakiramdam ko hindi katulad kanina na parang nasa bangka ako at nasa kalagitnaan nang dagat . Sobrang hilo ko talaga kanina !

Bwesit na hang-over !

" Tumawag naman siya sa akin kaninang alas-syete nang umaga ! Nasa Resort na daw siya .. " Tumikhim ako at hinati ang cupcake tsaka ko kinain .. " Hindi ko na din namalayan na nakauwi na pala kami ! Kaya nagagalit si ate kasi uminom daw ako nang madami ..
Buti na lang daw hindi nag-inom nang marami si Gio kagabi ! Baka daw hinagis na lang niya ako sa Dagat .. " Tumawa si Meng kaya tinapunan ko siya nang masamang tingin ..

" Anung nakakatawa ? Kasalanan mo kaya kung bakit ako nalasing!" Humalakhak na naman siya !

" Nawala sa isip ko na mahina ka pala sa alak eh ! Chaka mo din eh!"

" Igagaya mo pa ako sayo na mag-iinom!"

Uminom ulit siya sa kape niya at hinati din ang cupcake niya at kinain ..

" Nakita mo na ba yung post ni Gio kagabi?" Nagsalubong ang kilay ko at kinuha ang phone ko sa bulsa ko ..

" Aling post?" Nag online ako sa facebook !

" Nag send siya nang friend request sa amin ni Flor pero yung ibang kaibigan natin sila ang nag add kay Gio sa Facebook .. "

Tinype ko ang name ni Gio sa Facebook ko at lumabas ang timeline niya ! Nag scroll down ako at agad na bumungad sa akin ang picture ko na nasa gitna nang garden .. Nakapalibot sa akin sila meng ! Nakita ang konting parti nang tiyan ko dahil nakataas ang kanang braso ko at tila pumipitik ako sa ere .. Bahagya akong naka-bend na tila handa nang kumembot pababa ! Nasa hita ko ang kaliwang kamay ko .. Nakapikit ang mata ko na parang damang-dama ko ang bawat beat nang kanta ..

" Hanip sa caption ah .. " duon ko lang napansin ang caption nang magsalita na naman si Meng !

sessai ko ..

Nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag-ngiti pero napangiti pa din ako at kinilig sa nabasa ko !

Pangalan ko lang yun at dindagdagan lang nang salitang KO diba ? Pero bakit pakiramdam ko ay kanyang-kanya na talaga ako .. Yung kanya ang buong ako !

Madami ang nag heart nang post na yun dahil din siguro dumami din ang mga nag add sa kanya sa Facebook ! May mga comment din at halos lahat ay mga kaibigan ko na walang matinong comment .. Hindi ko na pinansin yun dahil baka masira ang araw ko !

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now