----Nakangiti kong pinagmamasdan ang maamong mukha ni Gio habang natutulog at hawak ang aking kamay. Kung kanina ay halata ang pagod sa maputla niyang mukha ngayon naman ay para bang mahimbing na ang kanyang pagtulog at halata na sa kanyang mukha ang ngiti kahit natutulog ito. Hindi ko alam kung bakit kahit natutulog ay pakiramdam ko ay nakangiti siya hindi katulad kanina na halatang hindi siya okay , ngunit nanatitili pa din ang itim sa ilalim nang kanyang mga mata.
"Baka matunaw naman yang si Gio."
"Ang gwapo niya no?" Talagang magaan ang pakiramdam ko ngayon , kasi kasama ko siya at katulad nang dati ay nahahawakan , nayayakap at nahahalikan ko siya nang hindi kami nagtatago. "Tuwing nakikita ko ang mukha niya ay pakiramdam ko lalong gumaganda ang mundo ko.." Natatawa na sabi ko at hinalikan si Gio sa noo habang mahimbing na natutulog.
"Mas gwapo pa din ako.."
"Hay naku engineer.." Nilingon ko si Jairo na nakangiwi habang nakapamulsa sa kanyang pantalon. "..mas gwapo sayo ang boyfriend ko engineer , yang mukha mo walang laban sa kuya ko...sa boyfriend ko pa kaya." Nakagat nito ang labi na tila nagpipigil nang inis.
"Pasmado yang bibig mo Baby."
"Yes pare." Sabay kaming natawa at bigla niyang pinisil ang ilong ko kaya naman hinampas ko ang braso niya.
"Masaya akong nakikita ang ngiti mo."
"Mas masaya ako kasi kasama ko na si Gio."
"Im happy for you baby." Ngumiti ako nang sumilay ang ngiti sa kanyang labi at ginulo ang aking buhok. "..you know , i really like you sessai kaso na-friendzone ako." Natawa ako.
"Hindi kasi ako ang para sayo." Nakangiting sabi ko at hinawakan ang kamay niya gamit ang isang kamay ko na 'di hawak ni Gio.
Saglit niyang tinignan ang kamay namin tsaka muling sinalubong ang tingin ko.
"Makakahanap ka din nang babaeng para sayo, yung kayang ibalik yung pagmamahal mo kaya sana tigilan mo na ang kaka-tawag sa akin nang baby at kaka-bigay nang bulaklak sa akin kasi kapag nagalit itong si Gio sasapakin ka talaga nito.." Natatawang sabi ko tsaka ngumiti sa kanya.
"Ikaw nga ang gusto ko..."
"Hindi nga ako ang para sayo."
Bumuntong hininga siya at pinisil saglit ang kamay ko bago niya binitiwan at pinag-krus ang mga braso sa kanyang dibdib habang diretsong nakatingin sa akin.
"Ayoko nang iba baby , ikaw lang ang gusto ko.." Bumuntong hininga siya at tinignan si Gio tsaka muling ngumiti sa akin. "..kaso sa kanya ka na eh kaya wala na akong magagawa , gusto ko lang yung masaya ka at ayokong umiiyak ka at nasasaktan ka.." Sabi niya nang nakangiti at hinalikan ang noo ko.
"Siguro nga may ibang nakalaan para sa akin pero sa ngayon ikaw ang gusto ko.."
Hindi ko alam kung anu bang isasagot ko sa kanya , kahit naman madalas kaming nagtatalo nitong si Jairo pagdating sa feelings niya sa akin ay hindi na siya ibang tao para sa akin dahil may parti na din siya dito sa puso ko kasama ang mga kaibigan ko.
Isa siyang kaibigan na alam kong nandiyan palage para sa akin.
"Damn this feelings." Mahina akong natawa dahil sa mukha niya na tila ba sobrang problemado. "..anu bang nagustuhan ko sayo eh hindi mo naman ma-appreciate ang feelings ko ? Sweet ka sa iba pagdating sa akin ay napakasungit mo na .. Grabe." Naiiling pang sabi niya na parang di makapaniwalang nagkagusto nga siya sa akin.

YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Ficção AdolescenteHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !