---
" PERO Kuya..." Napahinto ako sa may bungad pa lang ng pintuan nang marinig ko ang sigaw ni Zherlyn mula sa itaas.
" Stop this zherlyn , matanda ka na!"
Nagtaka ako nang sumunod kong marinig ang malaking boses ni Kuya na katulad ng kay zherlyn ay sa itaas din nanggagaling ..
Bumaling ang atensyon ko kay manang at sa dalawang kasambahay namin na katulad ko ay tila nagtataka dahil sa sigawan nang dalawa kong kapatid sa itaas ! Nagmadali akong umakyat at tinungo ang kwarto ni Zherlyn kung saan nagmumula ang sigawan nila ni Kuya Zac ..
" Hindi ito tama , anu bang nasa isip mo ? Nababaliw ka na ba?" Bahagya akong nagulat at nagtaka na din nang makitang umiiyak si Zherlyn habang hawak ni Kuya ang laptop ng kapatid naming bunso na pilit niyang inaagaw kay Kuya.
" Kuya please..." Umiiyak na sabi ni Zher.
" This is BULLSHIT!" madiin na sigaw ni Kuya at napaatras naman si Zherlyn maging ako ay bahagyang napatalon sa malakas na sigaw ni Kuya na talagang nag echo sa buong bahay.
Umiyak nang umiyak si Zherlyn at nanginginig ang kamay na humahawak kay kuya pero umaatras si kuya sa bawat hakbang ni Zher palapit sa kanya.
Anu bang nangyayari ?
" Anung pinag-aawayan niyo?" Nagtataka kong tanong.
Nagsalubong ang kilay ko at kumunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon nila ! Sobra naman kasi ang gulat nila lalo na si Kuya Zac na agad sinara ang laptop na hawak at napalunok pa nang sunod-sunod ..
Ganun din si Zherlyn na nakatitig sa akin at halatang nagulat sa biglang dating ko.
" Anung nangyayari?" Tanong ko ulit " ang lakas nang sigawan niyo , nasa may pinto pa lang ako dinig na dinig ko na ang boses niyo Kuya!" Dagdag ko " May problema ba ? Anung dahilan nang sigawan niyo?" Napatitig ako sa laptop na hawak ni Kuya nang unti-unti niya itong itinago sa likudan niya at mabilis namang inagaw ni Zherlyn.
Tatalikuran na sana niya kami nang magsalita ako ulit.
" Bakit ka umiiyak Zher?" Napahinto siya sa pagtalikod at dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon sa akin. " Bakit sinisigawan mo si Kuya ? Bakit ka umiiyak ? May problema ba?" Sunod sunod na tanong ko pero katulad kanina ay gulat pa din silang nakatingin sa akin at wala yatang balak na sagutin ako.
" Kuya ? Hindi ba kayo sasagot?" Pagod na sabi ko nang wala manlang sa kanilang nagsasalita.
Umiwas si kuya nang tingin sa akin at napalunok. "Wala lang!" Mahinang sagot nito pero hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na meron silang itinatago sa akin. " Ku-kumain ka na ba?" Hindi ako sumagot at nanatili ang titig ko sa kanilang dalawa na hindi na magawang labanan ang titig ko hindi katulad kanina. "Babygirl!" Muling sabi ni Kuya kaya bumuntong hininga na lamang ako.
" Nagluto si Gio ng dinner kaya duon na ako kumain .. Sabi niyo kasi hindi din kayo dito kakain diba?" Sabi ko at tumango naman siya tsaka tipid na ngumiti.
" Natapos kasi nang maaga yung ginagawa namin ng ate niyo kaya nakauwi kami agad nang maaga!" Sagot ni Kuya.
" Ikaw zher?" Muli akong nagtaka nang halos mapatalon siya dahil lang sa simple kong tanong " Okay ka lang ? Bakit parang namumutla ka?" Nagtataka man ngunit nag-aalala din ako sa itsura niya.
Lumunok din ito na tila natutuyuan nang laway at nahihirapan sa pagsasalita.
" Zher!" Ayun na naman ang bahagya niyang pagtalon na parang natatakot o nagugulat siya .. Hindi ko maintindihan !
