Chapter 67

697 28 3
                                        


---

JAS

Maingat kong ginagamot ang mga sugat ni Sessai habang mahimbing na natutulog ! Kahit nga ang pag-angat sa kamay niya ay maingat ko ding ginagawa kaso sobrang lalim yata talaga nang tulog niya dahil nabitawan ko kanina ang kamay niya ay di manlang siya gumalaw o nagising manlang ..

"Sa tingin mo saan niya nakuha yang mga sugat na yan ? Ang dami niyang sugat ! Maliliit nga pero lampas sa laman kaya siguro medyo namamaga na." Sabi ni Flor na maingat din ang paghawak sa isang kamay ni Sessai na tapos ko nang lagyan ng gamot.

Hindi ko na nilagyan ng benda dahil baka lalong mamaga kapag nakabalot ..

"Imposible namang nadapa siya?" Sabi pa ni Meng.

Tumayo na ako sa gilid nang kama ni Sessai at niligpit ang mga ginamit ko sa sugat niya !

"Parang pagod na pagod siya no ? Kahit natutulog ay tumutulo ang luha niya." Sabi ni Flor.

Biglang sumakit ang dibdib ko nang makita ang luhang lumandas sa pisnge niya kahit na mahimbing pa din siyang natutulog !

"Para bang napakadami niyang pinag-dadaanan at problema ngayon kaya kahit sa pagtulog niya ay umiiyak siya." Naiiling na sabi ni Meng at pinunasan ang luha ni Sessai.

"Nagising ako kaninang alas- kwatro nang madaling araw." Napalingon kami ni mEng kay Flor. "Nakaramdam kasi ako nang uhaw , natakot pa nga ako dahil pagbukas ko pa lang nang pintuan ay may narinig na akong humihikbi." Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi ni Flor at ang bigat nang bawat hinga niya. "Duon ko siya nakita sa may bungad nang pintuan , nakaharap sa tahimik na dagat at umiiyak." May tumulong luha sa mga mata niya pero agad niya iyung pinunasan. "Diba may iyak na masaya ka , may iyak na nagtatampo ka , may iyak na naiinis o nagagalit ka , pero yung iyak niya kagabi ? Napakasakit ! Kahit hindi ko alam ang dahilan nang bawat hikbi niya ay sobrang sakit sa dibdib , ang sakit sakit nang iyak niya .. Kahit gusto ko siyang lapitan hindi ko ginawa dahil naisip ko .." Tinignan niya kami nang nakangiti at nagpipigil nang luha. "Naisip ko lang na baka kaya pinili niyang umiyak nang natutulog tayo para hindi tayo mag-alala at ayaw niyang makita natin siya sa ganung sitwasyon katulad nang pag-iyak niya."

"Nasasaktan na siya pero tayo pa din ang inaalala niya." Naiiling na sabi ni Meng.

Habang ako ay hindi makapagsalita at nanatiling nakatitig sa natutulog na si Sessai.

"Akala ko nga ay ako lang ang nakakita sa kanya pero sila Ciemar nakatanaw din sa kanya at pinapanood ang bawat paghikbi niya .. Hindi din sila pumasok sa mga kwarto nila hanggat hindi bumabalik si Sessai sa kwarto." Dagdag pa ni Flor.

Napangiwi kami ni Meng nang masagot ang mga tanong namin kung bakit hanggang ngayon ay bagsak pa din ang mga lalaki , sikat na sikat na ang araw pero ang mga unggoy ay nakahiga pa din at malalim pa ang tulog.

Nakakahiya tuloy kay ate sonya na naghahanda na nang almusal sa ibaba.

"Mauna na siguro tayong mag almusal , nakakahiya kay ate sonya kung paghihintayin pa natin ang pagkain."

Sabi ni Flor at naunang lumabas nang kwarto , inayos lang ni Meng ang kurtina nang kwarto at hinayaang bukas ang terrace para pumasok ang sariwang hangin mula sa labas tsaka kami sumunod kay Flor sa ibaba.

Inabutan namin duon si Dindo na nag-aayos nang pagkain sa lamesa habang si Ate sonya naman ay nagtitimpla nang kape , tumaas ang kilay ko nang mapansin na parang may sinisilip siya sa may likudan namin ni Meng.

"May hinahanap ka ba?" Tanong ko.

Napalunok naman siya at agad na napailing na para bang may nakakagulat akong sinabi sa kanya , napairap ako.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now