Chapter 85: The War Part III

8.6K 336 38
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Hey bitch!" Sigaw ni Amanda sa babaeng nakasalakot na itim kasabay ng pagkontrol niya sa malaking bato at tinira patungo dito,pero bago pa man ito tumama sa babae ay mabilis itong huminto sa ere at nawasak.

Napatigil si Amanda dahil sa nasaksihan.

Doon niya napagtantong hindi basta basta ang babaeng kaharap niya ngayon.May kapangyarihan din itong tinataglay na hindi pangkaraniwan.

Ipinagsawalang-bahala niya yun at muling kinontrol ang nagsisilakihang mga bato sa paligid.Maging ang mga malalaking sanga ay nagsiputulan sa mga puno at bumulusok papunta sa gawi ng kaharap niya.Walang reaksyon lang itong nakatingin sa ginagawa niya na nagpadagdag sa inis na nararamdaman niya.

"Die bitch!" Bulong niya nang sandaling tatama na ang mga atake niya sa kalaban,ngunit ganun na lamang ang pagkagulat niya nang sabay sabay ang mga itong bumalik sa direksyon niya.Dahil sa gulat ay hindi na siya nakagawa pa ng panangga upang maprotektahan ang sarili,tumilapon siya palayo't bumagsak sa maduming lupa.Napadaing siya sa sobrang sakit ng kaniyang likuran.Nang sinubukan niyang tumayo ay inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong paligid.Kahit saan man siya tumingin ay may naglalaban-laban.

*BOOOGSHH!!!*

Mabilis siyang gumulong pakanan nang isang bumubulusok na itim na apoy na nanggaling sa higanteng dragon sa itaas ang akmang tatama na sa kaniya.

"Freaking Zokusians! You are all getting into my nerves." Nanggagalaiting bulong niya at muling tumayo.

Naglakad siya papunta sa gitna't tiim-bagang tiningnan ang lahat.

"It's now or never." Sambit niya at iniangat ang magkabilang kamay sa magkaibang direksyon.

Isang matinding kulay berdeng liwanag ang kumawala sa magkabila niyang palad.Hindi nagtagal ay nagsimulang lumindol ang buong kapaligiran,mas malakas kumpara sa naunang lindol.Ang lahat ay nagsitigil mula sa digmaang nagaganap nang biglang bumulwak sa lupa ang napakaraming malalaking ugat na may mga malalasong tinik at nabuo bilang isang napakataas na harang.Maging ang mga punong-kahoy sa paligid ay nagsiuslian at nilipad-lipad sa ere.

"Let me show you how Amanda handle this war." Nakangising saad niya't kinumpas ang magkabilang kamay dahilan para umatake ang ginawa niyang harang patungo sa mga kalaban.Tila alon sa dagat na hinampas ang mga Zokusians ng napakaraming malalasong ugat dahilan para mapaslang ang karamihan sa mga ito.

"But wait,there's more." Dagdag niya at iniangat sa himpapawid ang paningin.Doon,tumigil sa paglipad ang mga puno at mabibilis na bumulusok paibaba at bumagsak sa mga kalaban dahilan para magsitalsikan ang mga ito.

"Argh!" Angil ng babaeng nakalaban niya kani-kanina lang na nakakuha sa atensiyon niya.Mas lumapad ang ngising nasa labi niya nang lingunin niya ito.

"It's payback time bitch." Aniya at pinalutang ang sarili sa ere.Kinontrol niya ang lahat ng mga maliliit na sanga sa paligid niya at nagsimula itong paikutan siya.Samantalang ang babaeng nakaitim na salakot ay nag-umpisang tumakbo ng napakatulin at pinalutang din ang mga naglalakihang bato patungo sa direksyon niya ngunit mabilis niya lang itong namamanipula at nawawasak.

"Come and get me." Hamon ni Amanda sa babae kaya mas binilisan pa nito ang pagtakbo at tinalon ang kinaroroonan ni Amanda upang maabot niya ito.Subalit bago pa man niya ito tuluyang mahawakan ay bumulusok na sa katawan niya ang lahat ng matutulis na sanga dahilan para bumagsak siya't mawalan ng buhay.

***

"Serene duck!" Mabilis na yumuko ang dalaga sa isinigaw ni Van.Gamit ang sandatang gawa sa elemento ng lupa ay itinarak ito ng binata sa dibdib ng Zokusian na muntik nang umatake kay Serene.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon