SHAMIERE'S POV
Napahinto kaming lahat mula sa pakikipaglaban nang sandaling maramdaman namin ang biglaang paglakas nang ihip ng hangin, naging kakaiba ang simoy nito na tila ba ay may tumatawag dito.
At dahil do'n ay agad akong kinutuban.
Si Mitch.
Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid para hanapin siya, pero hindi ko siya makita.
Tumingala ako sa itaas, nagbabakasakaling naroroon siya at hindi ako nabigo.
Nakalutang siya sa himpapawid habang ikinukumpas ang magkabila niyang kamay.
Ilang saglit pa'y pumikit siya at umusal ng kung anong salita.
Hindi nagtagal ay dire-diretsong lumabas ang napakalakas na enerhiya mula sa kaniyang katawan na agaran kong ikinabahala.
Sa tingin ko ay alam ko na kung ano ang ginagawa niya.
Maaari siyang mapahamak kapag ipinagpatuloy pa niya ang ibinabalak niya!
Pero bago ko pa man din siya mapigilan ay muli na 'kong natigilan at nagitla sa aking kinatatayuan.
Sunod-sunod na pagsibagsakan at mga malalakas na atungal mula sa mga malalaking dragon ang pumailanlang sa buong kapaligiran.
Hindi nagtagal ay nakarinig na naman ako nang sunod-sunod na sigawan na siyang nagmumula sa buntabay ng kadiliman.
Kitang-kita ko kung papaanong maputol ang hininga nila't magsitumbahan sa kalupaan.
Muli kong inilibot ang paningin ko at wala na akong nakikitang kahit isang kalaban na nakatayo.
"Anong nangyayari?!"
"Sinong nagpabagsak sa kanila?!"
"Paano nangyari 'yon?!"
Rinig kong bulungan sa paligid.
Tapos na.
Tapos na ang digmaan.
"Tingnan niyo!"
Lahat kami ay muling napatingala sa itaas nang sumigaw ang isa sa mamamayan.
Kitang-kita namin kung paanong bumagsak mula sa himpapawid ang walang malay na katawan ni Mitch, subalit bago pa man siya tumama sa lupa ay mabilis ko nang kinontrol ang kaniyang katawan upang pigilan ang kaniyang pagbagsak. Agad namang napatingin sa akin ang lahat nang may nanlalaking mga mata pero hindi ko nalang sila pinansin pa.
Ngayon ay nakahiga na si Mitch sa hangin na tila ba'y natutulog lang nang mahimbing. Daglian naman kaming lahat na tumakbo papunta sa kaniya.
"Make a way!" sigaw ni headmaster sa lahat na agad naman nilang sinunod. Dali-dali namang nagtungo ang mga magulang ni Mitch kasama ang iba pang mga Hari't Reyna.
Pansin kong may mga natamo rin silang iilang sugat.
Pumunta ako sa harap nila kung saan nasa kaliwang bahagi ni Mitch. Dahan-dahan kong ibinaba ang katawan niya sa lupa, maluha-luha namang lumapit sa kaniya ang Reyna at hinaplos ang sugatan niyang pisngi.
"Ang anak ko." anas niya. Lumuhod si Theo sa lupa at hinawakan ang parteng leeg ni Mitch. Pagkatapos no'n ay saka siya bumuntong-hininga at tumingin sa aming lahat.
"She's breathing, she's just unconsious." sambit niya na nakapagpahinga sa amin nang maluwag.
"Her energy may have been drained by what she did. She was so foolish to do it, but she saved us all." dagdag pa niya bago buhatin si Mitch.

BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...