Chapter 16: Gold Section

20.6K 838 96
                                    

Shamiere's POV

KINABUKASAN maaga kaming tatlo na nagising upang maghanda nang pumasok.Alam na rin nilang sa Gold section rin ako napunta kaya't tuwang-tuwa sila sa nalaman dahil magiging kaklase pa rin kaming tatlo.Patungo na kami sa classroom ng may makasalubong kaming Professor at binati siya ng dalawa habang ako ay hindi kumibo.Tumigil siya sa harapan namin ng akmang lalampas na kami at tiningnan ako nito ng mariin.

"Are you Miss Shamiere?The one who got the highest level?" Tanong niya na tinanguan ko lang.

"Right.Pinapatawag ka nga pala ni Headmaster Jiro.I think it's about what happened yesterday in the cafeteria." saad niya.Umalis na rin siya pagkatapos nun.

"Grabe, nabalitaan na pala ni Headmaster ang nangyari kahapon.Paano na yan Sham?" nag-aalalang saad ni Yvonne.

"I'm okay.Susunod nalang ako." blankong giit ko.

"Are you sure?" si Bea.

"Mmm."

"Sige,bilisan mo ah,sumunod ka kaagad."

Umalis na'ko at nagtungo na sa Headmaster's office.Naabutan kong may sinusulat si Headmaster.Naagaw ko naman ang atensyon niya kaya't tinigil niya ang ginagawa at sinensyas na maupo ako.

"Ms.Shamiere,I know what happened yesterday and i don't like what you've did." Umpisa niya at bumuntong-hininga.
"I'll go straight to the point.Look,hindi pinagbabawal ang paggamit ng kapangyarihan o ng kahit anong mahika dito sa loob ng akademiya ngunit kapag kinakailangan lamang at hindi para manakit o manakot ng kung sino mang estudyante.Alam mo bang maraming nagreklamo sayong mga estudyante dahil sa pananakot mo sa kanila kagabi?Sinabi nilang nagkainitan kayo ni Ms.Shion but you don't have to do that.Hindi mo na kailangang paabutin pa dun.Hindi mo kailangang pagliyabin ang buong cafeteria at hindi na kinakailangang humantong pa sa sakitan.Nagtamo ng sugat at paso si Ms.Shion and i don't like that.Ayoko ng maulit pa ito.But since medyo bago ka palang ay palalampasin ko to.But next time na may mangyari pa ulit gaya nito ay mapipilitan na akong bigyan ka ng parusa.So I hope ay nagkakaintindihan tayo Ms.Shamiere" Mahabang litanya niya at dahil ayoko nang magtagal pa dito ay tumango na lang ako.Tsk it's not my effin fault if they messed with me.

Pagka-alis ko ng HM's office ay hinanap ko na agad ang Gold section.Hindi ko nga pala natanong kina Bea kung saan dito.

Umakyat ako sa second floor para hanapin ang nasabing silid.

After a couple of minutes ay sa wakas nakita ko na ang pintuan kung saan nakaukit ang salitang Gold Section.I composed myself and put my signature facial expression -emotionless.Kumatok ako ng tatlong beses and after a seconds or two ay may nagbukas nito.Bumungad sa harap ko ang babaeng nasa edad 20 pataas,base sa suot niya ay mukha siyang professor.Tiningnan niya ko ng ilang segundo at di nag-tagal ay nagtanong rin.

"Excuse me Miss? How may I help you?" nakangiti niyang tanong sakin.Hindi ako sumagot dahil sa tinatamad nakong magsalita.Nagiging palasalita nako nang dahil sa mga taong nakapaligid sakin.Tiningnan niya pa ako ng maigi at nang makilala niya ako ay agad naman siyang nagsalitang muli.

"I-Ikaw ba si Shamiere?The one who got the highest power level?" Yan nalang ba palagi?Tsk.Um-oo nalang ako dahil nangangalay nako kaka-tayo dito.  "Right.Sinabi na sakin ni Headmaster na dito ka na nga pala papasok mula ngayon.Come, come in."anyaya niya at mas nilakihan ang siwang ng pintuan.Humakbang naman ako papasok sa loob ng silid.Nang masulyapan ako ng mga nasa loob ay agad silang nag-bulungan at nag tsismisan.

"Ghaaaaad dito na siya papasok?She's so pretttttyyyy"

"Diba siya yung nakakuha ng pinakamataas na power level?Grabe!"

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon