Chapter 101: Damsel In Distress

8.7K 325 134
                                    

SHAMIERE'S POV

NAPAGTANTO ko nalang na pinasok ako ng mga kawal sa loob ng isang silid at marahas na tinulak,dahil sa lakas ng pagkakatulak nila ay napaupo ako sa sahig.Agad din naman silang lumabas matapos nun.Hindi na ako nagtangkang tumayo pa.Nanatili lang ako sa ganoong posisyon,nakasalampak sa sahig habang walang tigil sa pag-agos ang luha sa mga mata ko.Parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko,wala akong nagawa kundi ang lihim na mapaiyak.

Hindi ko alam kung bakit ako,kung bakit ako ang pinagbibintangan nilang pumatay kay Mitch.Kahit kailan ay hindi ko magagawang saktan ang mga kaibigan ko,lalong-lalo na si Mitch.Sa kanilang lahat ay si Mitch ang pinakamabuti sa akin,kaya hinding-hindi ko magagawa ang ibinibintang nila.

Hindi ako ang traydor.

Nanikip na naman ang dibdib ko nang maalala ang lahat ng mga masasakit na salitang binitawan nila sa akin.Parang pinatay na rin nila ako,lalong-lalo na si Theo.Ang akala ko papaniwalaan niya ko,umasa ako dahil nangako siya,nangako sila.

Wala sa sariling napahawak ako sa luhaang mga mata ko.

Hindi ko inaasahang darating ang araw na mangyayari ang lahat ng ito.

Hindi nagtagal ay napaangat ang paningin ko sa pintuan nang marinig kong bumukas ito.Nakita kong marahas na pumasok ang Ina ni Mitch kasama ang asawa nito.Ilang saglit pa,nang tuluyan nitong marating ang kinaroroonan ko ay mabilis niyang sinakop ang distansya namin at sinampal ako ng malakas dahilan para tumagilid ang ulo ko.Ramdam ko ang hapdi't pamumula ng kaliwang pisngi ko dulot ng ginawa niya,pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin bagkus ay tiniis lamang ito.

Sinalubong ko ang mga mata niya at wala akong ibang nakita dun kundi galit,maging ang asawa niya ay ganun din.Punong-puno din ng luha ang kanilang mga mata gaya ko.

"KUNG INAAKALA MONG PALALAMPASIN NAMIN ANG GINAWA MO SA ANAK NAMIN, NAGKAKAMALI KA!" Napapikit na lamang ako sa lakas ng sigaw niya.Ilang segundo pa ang lumipas bago ko imulat ang mga mata ko at muli silang tingnan.

"H-Hindi ko po magagawa kay M-Mitch ang sinasabi ninyo,k-kaibigan ko po ang anak ninyo...m-maniwala po kayo sa akin." Sambit ko sa kanila pero panibagong sampal na naman ang nakuha ko mula sa Ama ni Mitch.

"Wag na wag mong sasambitin ang pangalan ng anak ko at wag na wag mong sasabihing kaibigan ang turing mo sa kaniya dahil ikaw! Ikaw ang pumatay sa kaniya! Ikaw ang pumatay sa anak ko!"

Hindi ko na kaya.Masyadong masakit na ang mga sinasabi nila laban sa akin.Kung ako pa rin siguro ang dating Shamiere,siguro hindi ako masasaktan ng ganito.Yung Shamiere na walang pakialam sa paligid niya,yung Shamiere na walang pakialam sa lahat ng nangyayari.Pero hindi na,hindi na ako ang dating Shamiere.Ang Shamiere ngayon ay mahina nalang,walang kakampi,walang karamay.

Muli na namang dumausdos ang luha sa pisngi ko pababa sa labi ko.

"That's enough!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun at doon ko nakita ang isang lalaki.Blangko ang ekspresyon sa mukha niya ngunit gayunpaman ay hindi nakatakas sa akin ang napakalakas na aura niya.Pamilyar din sa akin ang mukha niya,kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga Konseho ng Mahika.Nakasunod sa likuran niya ang iba pang mga Hari at Reyna.

***

"KINAKAILANGAN natin ng sapat na ebidensya upang mapatunayan na siya nga mismo ang kumitil sa buhay ng inyong anak.Ngunit sa ngayon ay wala tayong magagawa kundi ang pakawalan siya hangga't sa mapatunayan na siya nga mismo ang tunay na may sala." Makapangyarihang bigkas ng lalaki sa lahat.Nakaupo ang mga Hari at Reyna sa mga upuan samantalang ako ay nasa harap nilang lahat.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon