Chapter 75: Presence

11.3K 417 27
                                    

SHAMIERE'S POV

Kasabay nang pagbigkas niya sa mga katagang iyon ay ang daglian niyang pagpapalabas ng apoy mula sa magkabila niyang mga palad na agarang bumulusok patungo sa direksyon ko.

Dahil sa gulat ay hindi kaagad ako nakapaghanda sa ginawa niyang atake. Natagpuan ko nalang ang sarili kong humagis sa pader.

Napadaing ako sa sakit na dinulot niyon sa likod ko. Aaminin kong napakalakas ng kapangyarihan niya, dahil nang tingnan ko ang pader ay humurma doon ang katawan ko at nagkaroon ng malalaking bitak ang palibot nito.

Muli kong ibinalik kay Dawn ang paningin ko, at sa mga sandaling 'yon ay tila ba'y naulit sa isip ko ang mga katagang isinatinig niya.

"Sapagkat ikaw at ako. . . ay iisa."

Sa tingin ko alam ko na.

Alam ko na kung bakit hindi ko magawang pasukin ang isipan niya.

Alam ko na kung bakit kagaya ko ay nababalot din ng hiwaga ang katauhan niya, kung bakit napakalakas din niya.

At higit sa lahat, alam ko na kung bakit kagaya ko ay kaya rin niyang mgpalabas ng apoy mula sa mga palad niya. Batid ko ring hindi lang apoy ang kaya niyang palabasin. Sadyang naging bulag-bulagan lamang ako para hindi malaman ang bagay na 'yon sa mas lalong madaling panahon.

Bahagya akong napasinghal bago ko siya marahang tinitigan sa kaniyang mga mata.

"Hindi tayo iisa, maaaring magkatulad tayo, pero hindi tayo iisa. At kailanman ay hinding-hindi tayo magiging isa!" at nang matapos kong bigkasin ang mga salitang 'yon ay walang pagdadalawang-isip akong nagpalabas ng malaking porsyento ng tubig sa kamay ko at dagliang bumuo ng mga sibat mula rito na agaran kong pinakawalan patungo sa kaniyang kinasasakdalan.

Subalit sa halip na mabahala'y napangisi lamang siya bago marahang iniangat ang magkabila niyang kamay patuon sa mga atake ko.

Mula roon ay kitang-kita ko ang pamumuo ng hangin sa piligid niya at kung paano nitong binalot ang mga palad niya. Matulin niyang kinontrol ang hangin patungo sa mga sibat kong gawa sa tubig at wala pang ilang segundo ay agad na naging yelo ang mga sibat ko dahil sa agarang pagbagsak ng temperatura sa buong paligid dulot ng hanging pinakawalan niya.

Ilang saglit pa ay mapilantik niyang ginalaw ang mga daliri niya na naging dahilan upang agarang lumihis ng direksyon ang mga sibat, sa halip na bumulusok ang mga ito patungo sa kaniya ay marahas itong bumalik papunta sa akin. Gayunpaman ay bahagyang hinawi ko lang ang kanang kamay ko na agad nitong sunod-sunod na ikinabasag.

"Tama ka, maaaring hindi tayo iisa. Subalit iisa lang tayo ng mga kakayahan, iisa lang tayo ng kapangyarihan, Shamiere. Kung ano ang kaya mong gawin ay kaya ko rin. Ikaw at ako. . . tayo, iisa lang tayo ng pinagmulan."

"Tumahimik ka na!"

Dahil sa galit na nadarama ay sunod-sunod akong nagpakawala ng naglalagablab na apoy sa mga kamay ko papunta sa kaniya. Ngunit bago pa man ito tuluyang tumama sa kaniya ay mabilis na itong nagsilaho.

Tumawa siya at nasisiyahang naglakad mula sa kinatatayuan niya.

"Bakit? Hindi mo ba matanggap? Na mayro'ng isang tao na nagtataglay rin ng kapangyarihang tinataglay mo?HAHAHA!"

"Tumigil ka na!" buong lakas na sigaw ko sa kaniya, datapwat binalewala niya lang ang mga sinasabi ko.

"Ngunit 'wag kang mag-alala, malapit ng mawala sa 'yo ang lahat ng 'yan. Kaunting panahon nalang at lahat ng meron ka ngayon ay maglalaho ng hindi mo namamalayan."

Doon na ako tuluyang natigilan.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa galit.

Nasusugatan na ang palad ko dahil sa matinding pagkuyom ng mga palad ko.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon