Chapter 77: The Traitor

15.1K 471 83
                                    

SHAMIERE'S POV

Dapit-hapon na nang makabalik kami ni Miko sa paaralan.

Hindi namin nakita sina Bea at Yvonne sa bayan kung kaya ay napagpasyahan nalang namin na mauna na.

Bago umalis sa bayan kanina ay muli niyang ibinalik ang pagtakbo ng oras kung kaya't muli kong ginamit ang abilidad kong palahuin ang sarili.

Nagpresinta pa siyang ihahatid niya ako pabalik sa dormitoryo namin pero ako na ang kusang tumanggi sa kaniya. Pinauna ko na siyang umalis, no'ng una ay nagreklamo pa siya pero nang isumbat ko sa kaniya ang pagsama ko sa kaniya sa bayan ay agad niya ring sinunod ang sinabi ko.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay do'n na tuluyang napalis ang ngiti ko kasabay nang pagkuyom ng magkabilang palad ko.

"Lumabas ka r'yan!"

Agad na bumalatay ang matinding galit sa mga mata ko nang dahan-dahang lumabas mula sa likod ng puno ang babaeng inaasahan kong makikita ko.

At ang babaeng iyon ay walang iba kung hindi ay si. . .

Dawn.

Alam kong kanina niya pa kami sinusundan ni Miko. Pabalik pa lang kami ay nararamdaman ko na ang presensya niya't nais ko man siyang lusubin ay hindi ko magawa sa takot na baka madamay maging ang kaibigan ko.

Ilang saglit pa ay isang mapang-uyam na ngisi ang iginawad niya sa 'kin

Marahan siyang napatawa bago siya tuluyang naglakad papalapit sa akin.

"Ang lakas ng pakiramdam mo." sarkastiko niyang anas na agarang nagpairap sa akin.

"Sa susunod na malaman ko pang sinusundan mo ako o kahit na isa sa mga kaibigan ko ay sisiguraduhin kong mauubos ang mga kauri mo. Alam kong ikaw at isa sa mga alagad mo ang palaging nagmamasid sa akin!" mariin kong banta sa kaniya.

Muli lang siyang tumawa na tila ba'y isang walang kwentang bagay ang mga sinabi ko.

"Talaga? Edi. . . gawin mo."

"'Wag mo akong susubukan, Dawn. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin."

Sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang napangisi.

"Alam mong alam ko, Shamiere, dahil kagaya ng sinabi ko, kung ano ang kaya mong gawin ay kaya ko rin."

Galit ko siyang sinagot.

"D'yan ka nagkakamali, dahil may mga kaya akong gawin na hindi mo kaya."

"At ano naman 'yon?" mapanghamon ang tonong tanong niya. Inismiran ko lang siya at naglakad papalapit pa sa kaniya.

"Malakas ka, hindi ba? Kung gano'n ay alamin mo!"

Hindi pa rin mawala-wala ang ngising nakapaskil sa mga labi niya.

Bahagya niyang iniikot ang paningin niya sa paligid namin at nang sundan ko rin ito ay doon ko nasilayan ang iilan sa mga estudyanteng ngayon ay nakatitig na rin sa amin.

Sa akin.

Titingin sila sa akin at pagkuwa'y magbubulungan.

I'm doomed.

"Sundan mo 'ko." sambit niya at tumalikod.

Nagsimula siyang humakbang papalayo na agad ko namang sinundan.

Nang makarating kami sa likurang bahagi ng paaralan ay saka siya huminto at hinarap ako.

"Isang beses ko lang sasabihin 'to kaya makinig ka ng mabuti."

Hindi ako sumagot at hinintay lang ang mga sasabihin niya.

"Hindi mo kilala kung sino talaga ako, ang tunay na ako. Kaya kung ako sa 'yo ay maghanda ka, dahil malapit ng magwakas ang mga masasayang araw mo, malapit ng magwakas ang kwento mo."

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon