Chapter 106: Fading Embers

20.9K 503 135
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan ay nagsilabasan ang mga estudyante sa kaniya-kaniya nilang silid at mabilis na nagsikumpulan sa harap ng malawak na field.

Nasaksihan nila ang sunod-sunod na paglapag ng mga magagarang karuwahe na siyang kontrolado ng mga kabayong may pakpak mula sa himpapawid. Hindi ordinaryong karuwahe ang nakikita nila dahil gawa ito sa purong ginto't napapalibutan ng iba't ibang dyamante kung kaya't batid nila na hindi pangkaraniwan ang mga taong lulan ng mga ito.

Ramdam na ramdam din nila ang mga enerhiyang labis na napakalakas na nagmumula sa direksyon nito lalong-lalo na sa pinakahuling karuwahe.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan ng mga karuwahe at sunod-sunod na bumaba ang mga taong sakay nito.

At napasinghap na lamang ang lahat nang masilayan nila ang wangis ng mga ito.

Ang mga Konseho ng Mahika.

Ngunit ang mas ikinagulat nila ay nang bumaba ang isang lalaking may katandaan na ngunit mababakas pa rin ang awtoridad at kakaibang lakas na itinataglay nito.

"A-Ang Punong Ministro." wala sa sariling naisambit ng isa sa mga mag-aaral bago dahan-dahang yumuko upang magbigay pugay sa mga makapangyarihang mga panaauhin na ngayon ay nasa harapan nila. Ilang saglit pa ay sunod-sunod na nagsiyukuan ang buong sangkatauhan.

* * * * *

Marahas na binuksan ng mga kawal ang kulungan kung saan nakahandusay ang walang malay na dalaga.

Nakasalampak ito sa sahig at mahahalata ang labis nitong panghihina.

Mabilis silang pumasok sa loob at agad na dinarag papalabas nang walang pagdadalawang-isip ang dalaga upang hindi sila maapektuhan ng salamangkang nakapaloob sa bulwagan ng Tertheia.

Dahil sa ginawa nila ay agad na napadilat ng mga mata si Shamiere.

Agad na bumalatay ang matinding pagkabigla't pangamba sa sugatan nitong mukha.

Ang labi nito'y sobrang putla't tuyo sa kadahilanang wala siyang mainom o makain man lang.

Ilang araw na itong hindi kumakain kung kaya't ganito na lamang kalala ang panghihinang nadarama nito ngayon.

"S-Sa. . . saan n-niyo ko da-" halos hindi na niya magawang maibuka nang maayos ang kaniyang mga labi. Ang mga mata niya ay pumupungay sa sobrang hilo na kaniyang nadarama kung kaya't napapikit na lamang ulit siya.

"Tumahimik ka!" sigaw sa kaniya ng kawal at agad siyang dinarag nang walang pag-iingat paalis sa lugar na iyon.

Hindi kalaunan ay nakarating sila sa harap ng isang silid.

Isang silid sa akademiya na tanging mga mahahalagang tao lamang ang maaaring makapasok. Kumatok ang kawal at agad naman itong bumukas. Hinila nila ang dalaga patungo sa harap kung saan naroroon ang iilang mga panauhin.

"Ah-" napadaing ito nang mapaluhod siya sa sahig nang marahas siyang bitawan ng mga kawal na agad yumuko upang magbigay-galang sa mga mahahalagang taong naroroon.

Sinubukang imulat ng dalaga ang kaniyang mga mata at napagtagumpayan niya naman ito.

Inaninag niya nang mabuti ang silid na kinapapalooban niya at dahan-dahang inilihis ang kaniyang paningin sa mga taong nasa harapan niya. Doon niya nakita ang mga Hari at Reyna na nakaupo sa harapan niya kasama ang punongguro at ang mga Konseho ng Mahika, at sa gitna nilang lahat ay nakaupo ang isang makapangyarihang lalaki na walang iba kundi ang Punong Ministro. Walang emosyon ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon