Chapter 49: The Battle

9.4K 396 13
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kitang-kita nilang lahat kung paanong pabagsakin ni Shamiere ang lahat ng mga kalaban.

Kitang-kita nila kung papaanong nagagawang kontrolin at manipulahin ni Shamiere ang lupa.

Kitang-kita nila kung paanong nagpalit ng kulay ang mga mata nitong kulay kayumanggi sa kulay berde.

Kitang-kita nila ang galit sa mga mata nito.

"S-Sham." Tanging naibulalas nila.Pero hindi sila nito pinansin at agad itong tumakbo patungo kay Mitch na nakahandusay at walang malay sa lupa.Gusto niya mang pagalingin ito ay hindi niya magawa dahil alam niyang mas magtataka pa ang mga kasamahan nila,minsan na niya iyong nagawa at hindi niya na pwedeng ulitin pa yun.

"Dalhin na natin si Mitch pabalik ng Academy! Van!" Biglang sambit ni Theo habang buhat-buhat na si Mitch nang mahimasmasan sa mga nangyari.Agad namang lumapit si Van sa kanila at muli silang humawak sa balikat nito.Sa isang kisap-mata lang ay lumitaw sila sa harap ng gate ng akademiya.Mabilis silang nagsitakbuhan papasok.Kahit pinagtitinginan man ay wala na silang pakialam basta maihatid lang nila agad ang dalaga sa clinic.Nakasunod lang sa hulihan nila si Shamiere na makikita sa mukha ang labis na pag-aalala.

Akmang susunod na ito papasok ng clinic nang bigla nalang may humila sa braso niya.Hindi na siya napansin ng mga kaibigan niya kaya't hindi nila alam na wala na ito sa hulihan nila.

Nang hinarap niya ang taong humila sa kaniya ay nakilala niyang kaibigan ito ni Amanda.Si Rose.

Matalim ang tingin sa kaniya nito samantalang blangkong tingin lang ang iginagawad niya rito.

Hinila siya nito at wala siyang ginawa kundi ang magpahila lang kahit sa loob-loob niya ay nanggagalaiti na siya.Nag-aalala siya sa kalagayan ni Mitch pero nandito siya at hila-hila ng babaeng kaaway niya.

Nang makarating sila sa paroroonan ay patulak siya nitong binitawan.Agad niyang pinagmasdan ang paligid at dun niya napag-alamang nasa BattleGround sila.Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang babaeng nakatayo at sobrang sama ng tingin sa kaniya.Naglakad ito papalapit sa kaniya.

"What do you want?" Malamig ang boses na tanong niya kay Amanda.Bahagya mang kinilabutan ay nagawa pa ring sumagot ni Amanda.

"You! Because of you nawala na ng tuluyan si Theo sakin!!" Biglang sigaw ni Amanda sa kaniya.Marahil nalaman na nitong sila na ni Theo.

"Ever since we're kids gusto ko na siya! Till now! Pero nawalan nako ng pag-asa dahil lang sa isang katulad mo! You pathetic bitch!" Sigaw nito at bigla nalang siyang sinampal.

Nagsimula ng magkumpulan ang ibang mga estudyante papalibot sa kanila.

Dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Amanda ay bahagya pang napatagilid ang ulo ni Shamiere.Nang ibalik niya ang paningin sa kaharap niya ay bigla itong napaatras nang makita ang galit sa mga mata nito.

"Are you done?" Walang emosyong saad nito.Hindi nakasagot si Amanda at akmang sasampalin ulit siya nang madampot niya ang kamay nito.

"If you're angry just because my boyfriend chose me over you then why don't you just go ahead and kill yourself already?" Nang-iinsultong pahayag niya.Kitang-kita naman niya ang pagngingitngit ng ngipin ni Amanda na nagpangisi sa kaniya.Pabato niyang binitawan ang kamay nito at ginawaran ng isang napakalakas na sampal dahilan para mapasubsob ito sa damuhan.Dali-dali namang tinulungan ng mga kaibigan niya si Amanda.

Nang makatayo ay salubong na salubong na ang dalawang kilay nito.

"IKAW! IKAW ANG PAPATAYIN KO!ARGHHHHH!!" Sigaw nito at agad na nagpakawala ng dambuhalang ugat.Pinaatake niya ito patungo kay Shamiere pero agad itong naiwasan ng isa na lalo niyang ikinagalit.Bigla niya nalang ikinumpas ang kaniyang kamay at agad na nagsitubuan ang mga matatalim na tinik sa dambuhalang ugat.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon