MITCH'S POV
"Talaga lang, ah?" tukso pa niya na mas lalong nagpapula sa mukha ko.
"O-Oo nga!"
Napatawa siya sa sinagot ko.
"Oo na, naniniwala na ako." nanunuksong aniya bago tumingin sa mga mata ko.
Palihim naman akong napangiti pagkatapos kong umiwas ng tingin.
"B-Bakit mo nga pala ako gustong makausap?" maya-maya pa'y tanong niya.
"H-Ha? K-Kagaya nga ng sinabi ko kanina, nakita lang kita kaya pinuntahan kita." sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Ahhh." nakangiting-loko niyang tugon.
"Iba 'yang iniisip mo, ah! Sinabing hindi nga gano'n-"
Agad na naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng isang malakas na pag-atungal.
Dahan-dahan kaming nagkatinginang dalawa at magkasabay na napalingon sa likuran namin.
At doon namin tuluyang nasilayan ang dalawang naglalakihang mga Ogres.
Lubos na nakakatakot ang mga itsura nila at kakaiba ang kulay ng mga balat nila.
"Mitch!" mabilis akong hinila ni Kean papunta sa likuran niya.
"N-Nasa labas na pala tayo ng academy, k-kaya pala may mga Zokusians dito." mahinang saad ko sa kaniya.
Kung nakinig lang sana ako sa sinabi ni Theo ay hindi 'to mangyayari.
"Mitch, kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka na." narinig kong sambit ni Kean habang nanatiling nakaharap sa paparating na mga kalaban.
"Ano?! Paano ka? Sabay na tayong umalis dito, o 'di kaya ay pareho natin silang labanan."
"Hindi, Mitch. Hindi sila pangkaraniwang Ogres, malalakas sila. Baka hindi natin sila kayanin."
"Pero Kean-"
"Makinig ka sa 'kin Mitch, susubukan kong pigilan sila. Umalis ka na!" sigaw niya at bigla na lang tumakbo pasulong sa dalawang Ogres.
Ngunit gano'n na lang ang agarang panlalaki ng mga mata ko nang bago pa man siya tuluyang makalapit sa kanila ay nasaksihan ko na ang dagliang pagkapunit ng kaniyang kasuotan at ang biglaan niyang pagpalit ng anyo.
Bigla na lang siyang naging isang napakalaking lobo.
Kulay puti ang balahibo niya kaya sigurado akong hindi siya kabilang sa mga itim na taong-lobo na kapanalig ng mga Zokusians.
Kung ganoon ay isa siyang werewolf.
Triple ng laki ko ang kabuuan niya.
Nang lumingon siya sa akin ay nakita ko ang kulay dilaw niyang mga mata. Tila isang mensahe ang ipinahiwatig niya sa akin sa tinging iyon na tumakas na ako.
Ngunit hindi ko ginawa.
At nang dahil sa ginawa niyang paglingon sa akin ay hindi niya nakita ang matulin na pagtakbo ng isang Ogre papunta sa kaniyang direksyon at akmang hahampasin na siya ng hawak nitong napakalaking pamalo. Mabuti na lang at dahil sa likas na matalas ang pandinig ng mga lobo kung kaya't nagawa niyang marinig ang bawat yapak na gawin nito, mabilis siyang tumakbo at tinalunan ang Ogre na 'yon.
Nasaksihan ko ang pagsakmal niya sa leeg nito at ang pag-atake niya sa iba't ibang parte ng katawan nito gamit ang kaniyang naghahabaan at nagtutulisang mga kuko.
"Kean! Sa likod mo!" dahil sa abala siya sa pag-atake sa isang kalaban ay hindi na niya namalayan ang paglapit ng isa pang kalaban sa likuran niya.
Pasulong na ito sa kaniyang gawi at akmang susulungin na siya, mabuti na lang at mabilis akong nakagawa ng atake.

BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...