Chapter 8: Amanda Shion

23.4K 1K 124
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dalawang linggo na ang lumipas magmula ng dumating si Shamiere sa Academy. Dalawang linggo na rin silang magkakasama ng mga Royalties kasama ang dalawa niyang dorm mates sa tuwing breaktime nila.

Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi pa napapalapit ang loob niya sa kanila. Dahil alam niya sa sarili niya,na kahit di niya man sabihin ay itinuturing na niya ang mga ito bilang mga kaibigan.

Sa loob ng dalawang linggong yun, ay mas nakilala pa niya ng mabuti ang mga ito.

Si Bea na madaldal at parating hyper, si Yvonne na parating go with the flow sa lahat ng bagay, si Kianah na sobrang masayahin at may pagkaisip bata, si Mitch na sobrang ingay, bagay silang pagsamahin ni Bea, si Megan na tahimik at mahinhin, si Serene na sopistikada tingnan ngunit mabait din.

Si Eros na playboy at makulit, si Gino na babaero at masiyahin, si Lash na masayahin din pero kung mainis grabe kung magalit, si Van na seryoso pero nakikisabay din sa ginagawa nila, at si Theo na sa pagkakakwento nila Bea ay sobrang tahimik at sobrang lamig daw kung makitungo ngunit salungat naman nito ang pinapakita at pinaparamdam sa dalagang si Shamiere.

Naalala pa nito kahapon nang nasa hardin silang lahat at nagkwekwentuhan.

Maliban sa kaniya.

Flashback

"So, taga Earth Kingdom pala kayong dalawa Bea? Yvonne? How come na ‘di ko kayo nakikita do’n?" seryosong tanong ni Van sa dalawa.

"Oo, taga Earth Kingdom kami, hindi mo talaga kami makikita dahil sa tuwing nando’n kana sa kaharian niyo eh hindi ka naman lumalabas.” tugon nito at pagkuwa’y tumawa.

"Ah, oo nga no?" kamot-batok na sagot nito.

"Magkaibigan na ba kayong dalawa bago pa kayo pumasok dito?"

"Yup! Sabay kaming lumaking dalawa, magkaibigan na talaga kami simula pa lang."

Napatango naman ang ilan sa kanila.

"How about you, Shamiere? Saang kingdom ka nanggaling?" tanong nila sa salaga na kinibit-balikat lang ng isa.

"Baka tamad na namang magsalita. Hayaan niyo nalang."

Nagkatinginan naman ang lahat at sabay-sabay na napabungisngis.

Nag-usap pa sila ng tungkol sa bawat isa, samantalang si Shamiere ay nakikinig lang sa kanila. Ilang saglit pa ay naagaw ang pansin nila ng lalaking nakaupo sa harapan ng dalaga nang bigla na lamang itong magsalita.

"Do you have a boyfriend?" tanong ni Theo na kasalukuyang nakatingin kay Shamiere.

Nagulat naman ang mga kasama niya sa tinanong nito't kalaunan ay nagsi-ngisihan. Ang mga lalaki naman ay parang naghihintay rin sa isasagot ng dalaga.

Shamiere just shook her head as an asnwer.

"Good." Shamiere heard him whispered pero hindi na nito pinansin pa.

Nagsingitian naman ang mga kalalakihan.

"What? Sa ganda mong yan hindi ka pa nagkaka boyfriend?"

"Niloloko mo yata kami Shamiere, eh"

"Imposible naman yata yan, Sham."

"You're kidding us, right?"

Sunod-sunod na palatak ng mga kasama nilang kababaihan.

End of the flashback.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon