Chapter 29: Lorna the Wicked White Witch

12.9K 632 26
                                    

THEO'S POV

"Stop! Stop! Stop!" iritado kong sigaw at huminto sa pagtakbo. Hinihingal na tumigil din ang iba at takang tumingin sa 'kin.

"Why the heck are we running?!" sigaw ko at parang natauhan naman sila. Inis silang bumaling ng tingin kay Eros at sinamaan ito ng tingin.

"W-What?" painosinteng usal nito.

"We can fight them you skunk!" sumbat sa kaniya ni Serene. Nakatanggap naman siya nang batok mula kay Lash at Gino.

"S-Sorry! Sorry!" nakangusong saad nito. Pasiring na inalis ko naman ang paningin ko sa kanila.

Naging alisto ako nang makarinig kami ng papalapit na mga yabag, gano'n din sila.

Nagpalabas ako ng apoy mula sa palad ko at inihanda ito kung sakali mang umatake ang lobo.

Ramdam kong malapit na sa kinatatayuan namin ang lobong 'yon.
At hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay nakarinig na ako nang kaluskos sa paligid.

"Humanda kayo!" pagbabala ko sa mga kasama ko at agad naman silang bumuo ng mga sandata nila na gawa sa kaniya-kaniya nilang mahika.

Hindi nagtagal ay lumabas ang napakalaking lobo mula sa isang madabong na halaman. Kulay itim ito at nanlilisik ang kulay itim nitong mga mata.

"HAHAHA! Eh, iisa lang naman pala, eh!" natatawang ani Gino habang nakatingin sa lobong nasa harapan namin ngayon.

"Huwag ka ngang mayabang d'yan! Baka ipalapa kita ng wala sa oras d'yan, eh!" bara sa kaniya ni Eros.

Naging alerto naman ako nang humakbang papalapit sa amin ang itim na lobo. Ngunit hindi namin inaasahan ang sunod nitong ginawa.

Umalulong siya nang napakalakas-lakas!

Hindi nagtagal ay may naririnig na naman kaming papalapit na mga yabag ng mga lobo. This time they're many.

Damn it!

Tumambad sa amin ang sampung maiitim na mga lobo. Sobrang laki nila at mababagsik kung titingnan. Ang mga pangil nila ay lumalabas na tila gustong-gusto na kaming lapain lahat.

"Happy?!" inis na baling ko kay Gino.

"D-Dre, naman." naiiyak na sagot niya sa 'kin. Hindi na 'ko nagsayang pa ng segundo at agad kong itinira sa mga lobo ang apoy mula sa palad ko. Pero dahil sa liksi nang paggalaw nila ay nailagan lang nila ito, pero sa sumunod kong pag-atake ay bigo sila na iwasan 'yon.

Sunod-sunod akong nagpalabas ng apoy sa kamay ko at agad agad itong ipinabulusok sa kanila. Tatlo ang napuruhan at binaiwan ng buhay. Pero hindi nagpatinag ang iba sa kanila at agad na tumalon papunta sa amin. Nagsikilos na rin ang mga kasama ko at lumaban gamit ang kanilang mga sandata.

Bumuo rin ako ng sariling espada na gawa sa apoy at itinusok sa lobong akmang tatalunan ako.

"Shamiere!" sigaw ko at agad na iniwasiwas ang sandata ko sa likuran ni Shamiere nang makitang lalapain na siya ng isang lobong nando'n.

"Thanks." nakangiting sagot niya at natigilan naman ako.

Bakit kailangan niya pang ngumiti?

"Duck!" sigaw niya. Nagtaka naman ako pero agad din sinunod ang sinabi niya. Nang mismong pagyuko ko ay ikinumpas niya ang kaniyang kamay sa direksyon ko at nagulat nalang ako nang may makitang lobong naging yelo sa gilid ko.

Gulat akong napatingin sa kaniya.

"T-Thanks." pagpapasalamat ko. She just smiled and nod at me.

"Anytime."

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon