Chapter 98: Book of the Prophecy

8.3K 295 59
                                    

MITCH'S POV

MABILIS na lumipas ang mga sumunod na araw.Kaya ngayon ay panibagong umaga na naman,maaga akong nagising dahil ngayon ang araw
kung saan napagdesisyunan ng mga Hari't Reyna at ni Headmaster na ibalik ang klase.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama upang maghanda na sa pagpasok.Nagtungo ako sa banyo para maligo at nang makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako at nagbihis ng uniporme.

Habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya ay hindi sinasadyang napadako ang paningin ko sa ilalim ng kama at napatigil nang may makita akong lumiliwanag na bagay.Bigla akong may naalala.

Ang susi at ang libro!

Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko.Bakit nakalimutan ko ang mga bagay na yun,sa loob ng maraming araw na nagdaan ay hindi ko inaakalang ngayon ko lang ito naalala.Mabilis kong binaba ang tuwalya sa kama at lumuhod upang kunin ang libro at susi sa ilalim nito.Kumpara sa dati ay mas matindi ang pag-anhag ng liwanag nito dahilan para saglit pa akong mapapikit.Hindi nagtagal ay unti-unti ng nawawala ang liwanag na nakabalot sa mga ito.Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at umupo sa kama,tiningnan ko ang hawak kong sus't libro at sinuri itong maigi.

Base sa itsura nitong napakaluma na ay wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit ito napaka importante sa mga kalaban lalong-lalo na kay Sham?

Si Shamiere,gaya niya ay nababalot din ng hiwaga at misteryo ang librong ito.

Siguro ay panahon na, panahon na para malaman kung ano ang nilalaman nito.Panahon na para malaman kung bakit ito pinupuntirya ng mga kalaban,kung bakit ito mahalaga kay Shamiere.

Dahan-dahan kong iniangat ang susi at inilapit ito sa pasukan ng libro.Hindi nagtagal ay tuluyan ko na itong naipasok na siyang gumawa ng tunog.Ngunit kasabay nun ay ang pagkumawala ng isang nakakasilaw na gintong liwanag mula sa loob nito dahilan para muli akong mapapikit.Nagtagal ito ng ilang segundo at nang tuluyan itong mawala ay unti-unti ko ng dinilat ang mga mata ko.Tiningnan ko ang libro at dahan-dahan itong binuklat.Subalit agad na nabalot ng pagtataka ang buong sistema ko nang makita ko kung ano ang nilalaman nito.

Isang blangkong pahina?

Binuklat ko pa ng sunod-sunod ang mga pahina nito ngunit ganun lang din,walang nilalaman.Napabuntong-hininga ako saka nilagay ang susi sa gitnang bahagi ng libro at saka ito sinarado.Pinatong ko ito sa kama at napahilamos ng mukha.

"Bakit naman gugustuhin ng mga Zokusians na makuha ang isang librong walang nilalaman,at bakit ito sobrang mahalaga sa kanila lalo na kay Shamiere?" Wala sa sariling sambit ko.

Ngunit agad din akong napalingon sa libro nang saglit itong kuminang na siyang nakapukaw ng atensyon ko.Muli ko itong kinuha at saka binuksan sa pahina kung saan ko nilagay ang susi,at ganun na lamang ang gulat ko nang hindi susi ang bumungad sa akin kung hindi isang panulat.Napaawang ang bibig ko dahil sa nangyari.Kinuha ko ito at tinitigang mabuti.Kulay ginto ito at sadyang napakagandang tingnan,mayroong mga disenyong nakapalibot dito na hindi ko mawari kung ano.Maya-maya pa ay muling bumallik sa libro ang paningin ko.Pinalit ko ang pahina nito mula sa umpisa at kitang-kita mismo ng mga mata ko ang dahan-dahang pagguhit ng mga salitang nakasaad dito dahilan para matigilan ako.

   Book

Of

The

Prophecy

Ibig sabihin ay tama sila,ito nga ang libro ng Propesiya.Ang librong sinasabi nila na kayang baguhin ang kung anuman ang nakasaad dito.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon