Chapter 99: Mourn

8.5K 322 147
                                    

THEO'S POV

PARANG tumigil ang oras nang masaksihan naming lahat kung paanong walang-awang itinarak ni Shamiere ang punyal sa dibdib ni Mitch na siyang ikinabagsak nito.

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag-anhag ng kulay itim sa gintong mga mata niya bago siya tumingin sa amin at magpakawala ng isang ngisi,ang ngising kahit kailanman ay hindi ko inaasahang ibibigay niya sa amin.Sa sandaling iyon ay agad siyang naglaho na parang bula.

At doon lang kami tuluyang nabalik sa reyalidad.

"M-MITCH!!!!"

Mabilis pa sa kidlat na tumakbo kami patungo sa kaniya.Ngunit nang marating namin ang kinaroroonan nito ay tila nanikip ang dibdib ko sa senaryong nakikita ko.

Nakahandusay siya sa malamig na sahig,naliligo sa sarili niyang dugo.

"N-NO! NO! NO! Oh God! M-Mitch!" Mabilis na yumuko si Serene upang yakapin si Mitch.Nagsimula na ring bumuhos ang luha sa mga mata niya ganun na din ang iba.

Habang ako, nandito.Hindi makapaniwala sa nangyari.Naramdaman ko nalang ang pagdaloy ng luha sa kanang mata ko habang nakatingin sa kanila.

Akala ko may pag-asa pa.Umasa ako na may pag-asa pa.Na may pag-asa pang magbabago ka.Sham,p-paano mo nagawa to?

"WE HAVE TO BRING HER TO THE CLINIC!" Tarantang sigaw ni Van at dahan-dahang binuhat ang walang malay na katawan ni Mitch.Agad namang humawak ang iba sa kaniya,pero hindi ako.

Kailangan ko pa siyang hanapin.Gusto kong malaman kung bakit,kung bakit niya nagawa yun.

Mabilis silang naglaho sa harapan ko.

Pinunasan ko ang luhang pumatak mula sa mga mata ko at nagsimulang maglakad.Hindi ko alam kung nasaan siya,pero kinakailangan ko siyang makita,kung kinakailangan kong libutin ang buong Akademiya mahanap lang siya ay gagawin ko.

Mahal kita Sham,mahal na mahal.Pero kapag may nangyaring masama kay Mitch,h-hindi ko alam kung anong magagawa ko.

***

HINDI ko siya nahanap.Maski anino niya ay hindi ko nakita.Ilang oras na din ang nasayang ko mula sa paghahanap ko sa kaniya.

Napagpasyahan kong puntahan sila sa clinic.Kailangan kong malaman kung ano na ang lagay ni Mitch.

Tinahak ko ang daan papunta dun at hindi nagtagal ay narating ko na ito.Binuksan ko ang pintuan at hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.

Kung nanaginip lang ako ngayon,gusto ko ng magising.

Kung bangungot lang ang lahat ng ito,gusto ko ng matapos.

Bumungad sa akin ang nag-iiyakan
kong mga kaibigan dahilan para kabahan ako.Nakita ko silang nakapalibot sa isang kama.Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanila at ganun na lamang ang pagtigil ng oras para sa akin nang masilayan ko ang maputlang mukha ni Mitch.HIndi na siya gumagalaw.

Marahas akong tumakbo at mahigpit na niyaap ang malamig niyang katawan.Pinakinggan ko ang tibok ng puso niya na sana ay hindi ko nalang ginawa.

Mabilis rumagasa ang luha sa mga mata ko habang yakap-yakap ang wala ng buhay na katawan Mitch.

W-Wala na siya.Wala na si Mitch.

Ang iyak ko ay napalitan na ng paghagulgol.Hindi ko na alintana ang mga tao sa paligid ko.

"M-Mitch,p-please wake up.Gumising k-kana oh.Wake up p-please..." Wala na akong nagawa kundi ang ibulong ang mga katagang yun sa kaniya habang walang tigil sa pagdaloy ang mga luha sa pisngi ko.


The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon