SHAMIERE'S POV
Sa isang iglap ay bigla na lamang niyang ikinumpas ang kaniyang kanang kamay at kasabay no'n ay ang dagliang paglaho ng ipo-ipong kinapapalooban naming dalawa, datapwat ang sumunod niyang ginawa ang siyang lubos kong hindi inaasahan.
Isang napakalakas na itim na enerhiya ang daglian niyang pinakawalan, at sa sobrang lakas at bilis nang pagkakabulusok nito sa direksyon ko ay batid kong hindi iyon nakita't namataan ng mga estudyante na ngayon ay nakatingala na sa aming dalawa.
Dahil sa bilis ng ginawa niyang atake ay hindi ko na iyon nagawang mailagan pa dahilan upang agad akong matamaan nito.
Dahil doon, dala ng galit na naramdaman ko ay walang pag-aalinlangan akong bumuo muli ng isang napakalaking bolang gawa sa hangin at walang pagdadalawang-isip itong pinakawalan patungo sa kaniyang gawi.
Ngunit ganoon na lamang ang agaran kong pagsasapantaha't paggugululumihanan sa naging reaksyon niya.
Hindi siya kumibo o umiwas man lang.
Ilang saglit pa ang lumipas at nasilayan ko na lang ang makahulugan niyang pagngisi bago tuluyang tumama sa kaniyang kabuuan ang atakeng ginawa ko na naging dahilan nang daglian niyang pagtalsik pabagsak sa lupa.
"DAWN!!!"
Nasaksihan ko na lang ang mabilis na pagsitakbuhan nina Serene patungo sa ngayon ay kinasasakdalan na niyang lupa.
Dahan-dahan naman akong bumaba mula sa pagkakalutang at agad na naglakad papunta sa kanilang kinatatayuan.
Nakita ko kung paano nila alalayan si Dawn na bumangon na animo ba'y labis na nasasaktan.
"Are you okay?! Saan ang masakit?!" tuliro't nag-aalalang tanong ni Serene sa kaniya.
"Let's bring her to the clinic." agad na suhestyon ni Van.
"A-Ayos lang ako-araay!" bigla na lang siyang sumigaw at maluha-luhang hinawakan ang kaliwang braso niya.
Napakuyom na lang ako ng dalawang kamay ko nang mapagtanto kung ano ang ginagawa niya.
Gusto ko siyang palakpakan sa sobrang galing niya sa pag-arte.
Pinapalabas niya na ako talaga ang may kasalanan sa lahat ng mga nangyari.
"Pabayaan niyo siya, nag-iinarte lang 'yan." madiin ang bawat salitang sabat ko sa kanila. Galit namang lumingon sa 'kin si Serene.
"What's wrong with you, Sham?! Bakit mo ba 'to ginagawa?! And did you just produced and manipulate the air?!"
Agad akong natuod mula sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang gagawin ko.
Subalit nang makabawi mula sa pagkakatulala'y mabilis kong sinalubong ang naguguluhang mga mata ni Serene at agad na nagsalita.
"Siya ang dahilan kung bakit muntik na akong mapahamak. Inutusan niya si John na-"
Gayunpaman ay hindi ko na nagawang tapusin pa kung ano ang mga sasabihin ko nang bigla niyang putulin ang pagsasalita ko.
"May ebidensiya ka ba? Paano kung gawa-gawa lang pala 'yon ni John?!"
"Alam kong nagsasabi siya ng totoo!" hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapasigaw.
Nagkatitigan lang kaming dalawa ng matagal bago tuluyang sumingit si Amanda sa aming usapan.
"I believed in Sham, I know that she's telling the truth." paunang sambit nito bago lumapit sa aking gawi't tingnan ng masama si Dawn.
"Sa simula pa lang ay iba na ang kutob ko sa babaeng 'yan! I keep on telling you, she's a monster!"
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...