Chapter 12: Unknown Power

20.8K 1K 114
                                    

MITCH’S POV

"Mitch Aera and Gino Frost."

Pagkatawag sa pangalan namin ay agad na kaming nagtungo ni Gino paakyat sa entablado.

"Go, babe!"

"Gino buntis ako, ikaw ang ama!"

"Mitch! Ang ganda mo!"

"Go, baby! Goodluck!"

Napairap nalang ako sa sigawan nila habang ito namang si Gino ay panay ang kindat sa mga tagahanga niya.

Tsk.

 Talaga bang sa tuwing Royalties ang aakyat sa stage ay magsisihiyawan at sigawan ang mga estudyante? Nakakairita na.

Tuloy-tuloy nalang akong umakyat sa stage at naghanda na.

We positioned ourselves.

Gino take the first move. He create a sword that is made of ice. He attacked me, so I also create a sword that made of air.

Winasiwas niya ang espada niya at akmang patatamaan ako sa bandang tagiliran ngunit bago niya pa magawa iyon ay naunahan ko na siya. Dahil sa ginawa ko ay nadaplisan siya sa may binti niya kaya agad niya itong sinapo.

Umatras siya at binalot ng yelo ang bandang natamaan upang hindi ito magpatuloy sa pagdurugo.

Bumuo siya ng shurikens at isa-isang binato sa’kin. Panay-ilag lang ang ginagawa ko ngunit nagkamali ako ng galaw kaya't natamaan ako sa may braso. Ginamitan ko ito ng cooling air para kahit papano ay hindi ko maramdaman ang hapdi.

Akmang susugurin ko na siya nang bigla niyang binalot ng yelo ang mga paa ko. Umaakyat ito patungo sa katawan ko pero bago pa ito magtagumpay sa binabalak niyang gawin ay agad kong ginamitan ng hot air ang yelo nasa kawatan ko kaya agaran itong natunaw.

Napangisi nalang ako at agad ko siyang taimtim na pinagmasdan.

Gumawa ako ng tatlong ipo-ipo mula sa dalawang gilid niya at ang isa ay sa likuran niya. Tinangay siya ng mga ito at ilang minuto ang lumipas ay nagulat ako ng unti-unti itong tumitigil sa pag ikot. At gano’n na lamang ang pagkadismaya ko nang mapagtantong pinagyelo niya ang tatlong ipo-ipo ko. Agaran niya itong winasak at lumundang papunta sa harap ko.

"Not so fast, dear." mahina’t nang-aakit ang tinig na sambit niya at kinindatan pa ako.

Hah!

Tingnan natin ang yabang mo.

Bumuo siya ng isang higanteng snowman na may buntot na yelo at sa likuran nito ay mga tinik na gawa din sa yelo. Inatake ako nito at inihampas gamit ang kaniyang mahaba at matulis na buntot habang si Gino ay prenteng nanonood lang sa amin.

Ginawa kong mainit ang hangin sa loob kaya't unti-unting nalulusaw ang higanteng inilikha niya.

Hindi ko na patatagalin pa ang labang to.

Tiningnan ko nang mariin ang kinatatayuan ni Gino.

Agad naman siyang naguluhan sa ginawa ko maging ang iba pang nanonood.

Huli na nang mapag-alaman nito kung ano ang binabalak ko, unti-unti kong kinukuha ang hangin na nakapalibot sa kaniya kaya napaluhod na lamang siya sa sahig at pilit na sumisinghap ng hangin sa takot na mawalan ng hininga. Nang mapagtanto niyang wala akong balak na ibalik ang hangin na nakapalibot sa kaniya hangga’t hindi siya sumusuko ay hindi na siya nag-alinlangan pang itinaas ang isang kamay tanda nang pagsuko.

Binalik ko na ang hangin sa paligid niya at tila isa siyang isdang nagtagal sa lupa kakasinghap ng hangin.

"Damn, Mitch! Papatayin mo ba ako?!" pasigaw na tanong niya sa’kin. I just shrugged my shoulder and giggled.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon