Chapter 34: Who's The Real One

13.3K 598 90
                                    

SHAMIERE'S POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising para sana kausapin siya pero ilang oras na 'kong naglilibot ay hindi ko pa rin siya makita.

Naglalakad na 'ko sa may bandang pasilyo nang biglang humarang sa dinaraanan ko si Amanda kasama ang mga kaibigan niya.

Nang tumigil sa harapan ko ay bigla siyang ngumiti bago lingunin ang mga kasama niya.

"Chelsea."  aniya at pumwesto naman si Chelsea sa unahan ko. Bigla ko nalang nailagay ang dalawang kamay ko sa likuran ko at naitikom ko ang bibig ko.

She's controlling my body, again.

"Rose?"

"I'm on it, Amanda." biglang tinuon sa 'kin no'ng Rose ang kaniyang kanang kamay at makaraan lang ng ilang segundo ay lumutang ako sa ere.

Gravity Manipulator.

"Alyssa, your turn." baling na naman niya sa isa pa nilang kasama. Ngingisi-ngisi namang pumunta sa unahan nila 'yong Alyssa at ikinumpas ang kanang kamay nito patungo sa direksyon ko.

Unti-unti kong naramdaman ang lamig nang bumuhos ang napakalakas na ulan dito mismo sa may pasilyo.

Rain Controller.

Mukha na akong basang sisiw na nakalutang sa ere!

"Now, it's my turn." sambit ni Amanda at nagpalabas ng mga baging mula sa kung saan papunta sa akin at maya-maya pa'y nakalingkis na ang mga ito sa buong katawan ko hanggang sa labi ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan lang sila.

"Diba sabi ko sa 'yo hindi pa tayo tapos? Now, this is what you get for what you did to Van. We're even. Let's go, girls!"  matapos niyang sabihin 'yon ay bigla nalang nila akong hinayaang bumagsak sa sahig na hindi makagalaw dahil sa mga baging na nakapalibot sa akin sanhi para maramdaman ko ang kirot nang sandaling tumama ang katawan ko sa sahig.

Walang katao-tao sa parteng ito kaya walang sinuman ang makakatulong sa 'kin.

Sa isang kisap-mata'y bigla nalang may lumabas na malakas na enerhiya mula sa katawan ko dahilan kung bakit dagliang naging abo ang mga naging na nakapalibot sa akin.

Bumalik nalang ulit ako sa dormitoryo para magpalit ng damit dahil mukha na 'kong baliw sa suot kong gusot-gusot na uniporme.

* * * * *

"

Oh, anong nangyari sa 'yo at ganyan ang itsura mo? Bakit basang-basa ka? Hindi naman umulan, ah?" bungad sa 'kin ni Bea nang pumasok ako sa kwarto. Naabutan ko silang nagliligpit at handa na para sa klase.

"Hinarang ako nina Amanda." tipid kong sagot sa kanila at agad namang nagsalubong ang mga kilay nila.

"Ano?! Kaya ka ba basang-basa?! Aba't, ang babaeng 'yon! Kapag nakita ko 'yon ay makakalbo ko na talaga anf impaktang 'yon!" nanggigigil na anas ni Bea. Napailing nalang ako sa kaniya.

"Bakit ka raw ba inaway, Sham?" tanong naman ni Yvonne.

"Iyong tungkol kay Van." sagot ko at nagkatinginan naman silang dalawa.

"A-Ah, by the way, Sham. Kagabi nga pala, bakit bigla ka nalang nawala bigla? Naabutan namin si Van na umiiyak at walang pasabi-sabing nilayasan kami." pag-iiba ng usapan na usal ni Bea. Napabuntong hininga naman ako bago sumagot sa kanila.

"Sumama kasi bigla ang pakiramdam ko." sagot ko nalang bago sila talikuran.

"Palit lang ako."

Nang nasa loob na 'ko ng kwarto ko ay do'n ko tuluyang nailabas ang buntong-hininga ko.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon