Chapter 44: Dawn Devons

11.3K 478 67
                                    

SHAMIERE'S POV

Agad akong nagtungo papunta sa klinika ngunit pagkarating ko ro'n ay wala ng tao. Wala na ang babaeng nakahiga ro'n.

Tama nga ang hinala ko, gising na siya.

Bagsak ang balikat na lumabas ako ng silid-pagamutan at do'n ko lang namalayang gabi na pala.

Madilim na ang kapaligiran at kaunting mga estudyante nalang ang nakikita kong naglalakad sa paligid.

Saktong naglalakad na ako papunta sa dormitoryo nang biglang lumitaw sa harapan ko sina Theo.

"Sham! Bakit hindi mo man lang kami hinintay? Ayos ka lang? Patingin ng pisngi mo." agad na bungad ni Mitch at dali-daling pumunta sa kinaroroonan ko. Ininspeksyon niya ang mukha ko at nang makita itong walang kagalos-galos ay saka lang siya nakahinga ng maluwag.

"Nag-alala kami sa 'yo. Pasensya ka na at hindi ka namin nagawang ipagtanggol sa hari kanina, alam mo namang wala kaming gawa basta hari't reyna na ang usapan." dagdag pa niya. Dahil do'n ay isang mapait na ngiti ang pumaskil sa labi ko.

"Ayos lang, ayos naman ako, 'wag na kayong mag-alala pa." tugon ko na sinulyapan ang iba pa. Naglakad naman sila papalapit sa 'min.

"Sham, I'm sorry for what my father have done to you. I'm so sorry." sambit ni Theo na ngayon ay nasa harap ko. Bakas sa mukha niya na nahihiya siya sa akin.

"It's okay, I'm okay, so you don't need to say sorry. Besides I understand the King. He's just making sure that I'm not an enemy, he's just doing his responsibility."

"Don't worry, Sham, he believes in you now." sambit niya na nagpakunot ng noo ko.

"How?"

"At first, he did not expected that you hold the fire element but I told him that you're something unique. He said that you might be an enemy, but I convinced him, we all did. Isa pa ay wala kang pinakita sa 'min kundi ay kabutihan, you protect us from the enemies, that's enough reason for us to believe you, to trust you."

"T-Thank you."

"But Sham, h-how did you change your fire?" sa pagkakataong 'to ay si Lash naman ang nagsalita. Tiningnan ko siya.

"I-I don't know, I just did." hindi makatingin sa mga mata nilang saad ko't iniwas mula sa kanila ang paningin ko. Hindi naman na sila sumagot pa.

"Wala ng masakit sa 'yo?" maya-maya'y tanong ni Theo. Muli kong hinawakan ang pisngi ko bago umiling.

"Wala na."

"I really am sorry for what my father did to you Sham. I promise, it won't happen again."

"It's okay, he's just doubting me and I understand him. Ako ang dapat na humingi ng tawad, dapat ay hindi ko na siya pinatulan pa."

Hindi na siya sumagot pa at tinitigan lang ako, silang lahat. Alam kong sa loob-loob nila ay marami pa silang gustong sabihin, marami silang katanungan hinggil sa aking katauhan na nais nilang mabigyan ng kasagutan. Pero alam kong pinipigilan lang nila ang kanilang mga sarili, alang-alang sa 'king kapakanan.

"Guys, gabi na. Sa tingin ko ay kailangan na nating magpahingang lahat." walang ano-ano'y wika ni Serene.

"That's a good idea. Grabe, sobrang daming nangyari ngayong araw." sagot ni Bea. Nagsisang-ayunan naman ang lahat.

"Ihahatid ko na kayo." pagpresinta ni Theo.

"Aw, ang sweet naman!" ani Yvonne.

"Huwag na, kaya na namin." agad na tugon ko sa kaniya.

"Please, I insist."

Napabuntong-hininga nalang ako at wala nang nagawa pa dahil alam kong hindi naman siya magpapatalo sa 'kin.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon