Chapter 17: Goodbye Friendship

20.8K 762 120
                                    

Theo's POV

"H-How..." naiusal ko nalang.

HINDI ako makapaniwala, gulat at pagtataka ang nararamdaman ko sa oras nato.Sinubukan kong basahin ang nasa isip ni Shamiere subalit hindi ko magawa.Walang sinuman ang nakakagawa nito dahil kahit sino ay nagagawa kong basahin ang isipan kung kailan ko man gusto pero sa kaniya hindi,may kung anong pumipigil sa abilidad kong basahin ang iniisip niya.

Muli nanamang nadagdagan ang mga katanungan ko sa pagkatao niya.

"What's wrong?" napa-ayos ako ng upo nang tanungin niya ko ng walang emosyon ang mukha.

"N-Nothing."

Nang sagutin ko siya ay siya naman ang napakunot ang noo na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Mm.." pagka-usal niya yun ay agad siyang tumayo at naglakad paalis,sinundan ko lang siya ng tingin at hindi na hinabol pa.

I don't know what to think anymore,Shamiere...who are you really?

***

Ilang minuto matapos umalis ni Shamiere ay hindi na rin ako nagtagal dun at napagpasyahan kong umalis na rin.Pumunta ako sa rooftop,kung saan ako lang ang tanging pumupunta.Umupo ako sa sahig at sinandal ang aking likod sa dingding nito.Pinikit ko ang aking mga mata at nag-isip isip.

Bakit hindi ko magawang basahin ang kaniyang iniisip?

Bakit ganun siya?

Bakit nababalot ng misteryo ang katauhan niya?

Bakit hindi ko maramdaman ang kaniyang enerhiya?

Isa ba siyang kalaban?

Anong ginagawa niya dito sa akademiya?

Inis kong minulat ang mga mata ko!Nakakasakit sa ulo ang pag-iisip tungkol sa babaeng yun!

Pero pano kung sadyang malakas lang talaga siya kaya nagagawa niyang balewalain ang abilidad ko?

Pano kung mabuti talaga siyang tao at hangad lang talaga niya na makapag-aral dito?

Aissssh! Theo you're being paranoid!

Fine.From now on, titigilan ko na ang pag-iisip ng kung ano tungkol sa kaniya.Baka nga nagiging praning lang ako.Hindi naman siya mukhang masama at mas lalong hindi siya mukhang kalaban.

Tama tama.

Ang tungkol naman dun sa misyon na binigay samin ni HM,hanggang ngayon kasi hindi pa namin nasasabi sa kaniya na si Shamiere ang may gawa nun dahil umalis din siya ng Academy at ilang araw din siyang wala dito.Sasabihin ko nalang na self defense ang ginawa ni Shamiere.Pero self defense naman talaga yun.

Aissssh! Maka-idlip na nga lang, sumasakit na ulo ko kakaisip!

DAPIT-HAPON  na ng magising ako.Agad akong bumaba at dumiretso sa tambayan namin dahil alam ko namang nandun na sila.Nang nasa may bukana nako ng gubat sa likod ng akademiya ay may nakita akong babaeng naglalakad hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.Salungat ang nilalakaran niya sa lokasyon ng tambayan namin.Dala ng kuryusidad ay sinundan ko siya.Tanging ang likuran niya lang ang nakikita ko at malapit na ring dumilim kaya hindi ko maaninag ng mabuti ang kabuoan niya.

Patuloy lang siya sa paglalakad at maya-maya pa ay tumigil siya.Tila pinapakiramdaman niya ang paligid.Agad akong nagtago sa likod ng puno dahil sa tingin ko ay naramdaman niya ang presensya ko.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon