SHAMIERE'S POV
"Ayan, tapos na!" masayang sambit ni Miko matapos ukitin ang pangalan naming dalawa sa katawan ng puno.
MIKO×SHAMIERE
Kasaluluyan kaming nandito sa lugar kung saan kami palaging pumupunta, sa hardin malapit sa akademiya. At kagaya ng nakagawian ay kaming dalawa lang ang naririto dahil mailap na ito sa mga tao at malayo-layo na mula sa paaralan para puntahan pa ng ibang mga estudyante.
Nang ayain niya 'kong gumala at hindi pumasok sa klase kanina ay agad akong sumama sa kaniya dahil wala pa naman din ang guro namin.
Sinuway pa kami nina Bea pero tinawanan lang namin sila at nagtuloy-tuloy sa pagtakas.
"Ang ganda! Haha!" wala sa sariling naibulalas ko habang nakatitig sa ginawa niya.
Nakangiting ipinalandas ko ang kamay ko sa pangalan naming dalawa.
"Syempre, ako ang gumawa, eh!" mayabang namang tugon niya. Tinawanan ko lang siya habang nanatiling nasa katawan ng puno ang paningin.
Pero nang tumagal ang pagkakalapat ng kamay ko sa mga pangalan namin doon, sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot.
Matinding lungkot.
Mabilis kong inialis ang pagkakalapat ng kamay ko sa katawan ng punong 'yon.
"Oh, bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo?" biglang tanong niya. Agad akong nagpilit ng ngiti bago tumingin sa kaniya.
"W-Wala, tara, punta tayong cafeteria, gutom na 'ko." pag-iiba ko ng usapan. Ngunit hindi siya sumagot at sa halip ay nanatili pa ring nasa mukha ko ang paningin niya at tila ba'y pilit na binabasa kung ano ang nasa isip ko.
"May problema ba?" walang ano-ano'y tanong niya hahang nag-aalalang nakatitig sa akin. Mabilis akong napailing sa kaniya bago muling nagpilit ng ngiti.
"Ano ka ba, wala ngang problema! Gutom lang 'to, kaya tara na!" agad ko siyang hinawakan sa kamay niya at hinila na paalis sa lugar na 'yon, wala naman siyang ibang nagawa pa kung hindi ang sumunod sa 'kin.
Hindi kalaunan, habang naglalakad ay bakas sa kaniya ang labis na pag-alala.
Tumigil ako at agad na humarap sa kaniya.
"'Wag mo ng isipin 'yon, ayos lang ako, Miko." sa ekspresyon ng mukha niya ay hindi pa rin siya naniniwala.
Kung kaya't agad kong iniangat ang kamay ko papunta sa ulo niya at marahang ginulo ang buhok niya."Tara na kasi!" nakangiting sambit ko't inilingkis ang kamay ko sa braso niya. Nakabusangot naman siyang tumingin sa 'kin at napapabuntong-hiningang nagpadarag sa 'kin dahilan upang tatawa-tawa akong nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating sa cafeteria ay kaunti lang ang mga estudyante dahil na rin sa nagsisimula na ang klase.
Hindi na lang namin pinansin pa ang mga estudyanteng titingin sa 'min at magbubulungan at bagkus ay naghanap na lang kami ng mauupuan.
Ilang saglit pa ay napili naming umupo sa tabi ng babasaging bintana ng silid-kainan.
Inalalayan pa 'kong maupo ni Miko at saka ako tinanong ng kakainin ko. Siya na ang nagpresintang kukuha ng mga pagkain namin. Matapos kong sabihin sa kaniya ang sa akin ay saka na siya naglakad paalis.
Makalipas lang ng ilang minuto ay dumating na siya bitbit ang isang lagayan kung saan nakapatong ang mga pagkain naming dalawa. Nakangiti niyang inilapag ito sa mesa at binigay sa akin ang akin.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...