SHAMIERE'S POV
Kinabukasan ay mag-isa akong naglalakad sa malawak na daanan ng akademiya.
Maaga pa naman at sinigurado kong tulog pa ang dalawa nang lisanin ko ang dormitoryo. Minabuti ko ring maglakad-lakad ngayong maaga pa dahil wala pang mga estudyante, mahirap na at baka isumbong pa nila ako kay headmaster. Mabuti na lang kahapon at walang may nagtangkang nagsumbong sa kaniya.
Pero kung meron man ay wala rin naman akong pakialam kaya ayos lang.
Nasa kanlurang parte na ako ng paaralan nang bigla akong mapatigil sa paglalakad dahil sa bigla akong may naalala.
"Talaga?! Magkikita ulit tayo rito bukas, ah? Hihihi!"
Agad akong napatampal sa noo ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang mga katagang sinabi ni Faila kahapon.
Mabilis kong ikinumpas ang kamay ko at ilang saglit lang ay naramdaman ko ang biglaang pagpalibot ng enerhiya sa kabuuan ko.
Sa isang iglap lang ay nasa loob na ako ng kagubatan kung saan kami nagkita ni Faila. Nandito pa rin ang mga nagsitubuang mga bulaklak na nagbigay kulay sa buong kapaligiran.
"Faila?" iniikot ko ang paningin ko sa buong lugar, nagbabakasakaling makita ko siya. Subalit ilang minuto na ang nagtagal ay hindi pa rin siya nagpapakita.
Napagpasyahan ko nalang na lumisan na.
Baka hindi na siya darating pa.
Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang marinig ko ang pamilyar na maliit at matinis niyang boses.
"Hmp! Ang tagal tagal kong naghintay sa 'yo tapos aalis ka nalang?! Hmp!!" mabilis akong napalingon sa pinagmulan ng boses niya at do'n ko siya nakitang lumabas mula sa likuran ng puno.
Kaya marahil hindi ko naramdaman ang presensya niya ay dahil itinago niya ang kaniyang aura.
Lumipad siya papalapit sa akin habang nakanguso.
Napangiti naman ako sa itsura niya.
"Pasensya ka na, pero nandito naman na ako, sadyang maaga ka lang talaga siguro." pagtatanggol ko pa sa sarili ko habang pinipigilan ang pagkumawala ng ngiti ko.
"Heh! Saan ka nga pala dumaan? Bakit hindi kita nakita?!"
"Dyan lang."
"Saan nga?"
"Dyan nga lang. Tumahimik ka na."
"Nyenyenye!" nakangusong sambit niya. Kaya naman mas lumapit pa ako sa kaniya at hinawakan siya para kurutin, kaso sa sobrang liit niya ay parang buong katawan na niya ang nakurot ko.
"A-Ah! Aaa-Araaaaaay!!!" padabog siyang lumipad papalayo sa akin saka ako tiningnan ng masama.
"Papatayin mo ba 'ko? Ha?!" magkasalubong ang dalawang kilay na sigaw niya habang minamasahe ang katawan niya.
Dahil sa pangyayaring 'yon ay hindi ko na nagawang pigilan pa ang sarili ko at tuluyan nang napahagalpak sa tawa.
"HAHAHA! Pasensya na."
"Pasensya, pasensya! Hmp!"
Nanatili kaming gano'n ng ilang minuto.
Ilang sandali pa ay napagpasyahan naming maupo't magkwentuhan.
"May iba ka pa bang kaibigan, Sham?" walang ano-ano'y tanong niya.
Napangiti naman ako bago sumagot sa kaniya.
"Oo, marami. Bakit mo naitanong?"
"Pwede mo ba akong ipakilala sa kanila?" natigilan ako sa idinugtong niya.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...